Chapter 25

5.5K 205 80
                                    

Nagising na si Sac. Ilang araw muna ang pinalipas bago ko sinabi kay Gracie na magaling na ang Daddy niya at pwede na namin siyang bisitahin para kumpleto na paggaling nito. Tuwang-tuwa ito. Sinundo kami ni Aaron sa bahay papuntang ospital. Halatang-halata ko kay Gracie na excited na siyang makita ang Daddy niya.

Sa ilang araw namin magkasama ay natutunan ko rin ang ilang kakulitan ng bata. Matigas ang ulo nito lalo na kung umaga at ayaw nitong pumasok. Napakaraming bagay na ang ginawa ko para makumbinse ko itong bumangon at pumasok sa school. Bumisita rin ako sa school dahil sa nagpatawag ng guardian ang teacher na si Ms. Mikay dahil nanuntok si Gracie ng kaklase niyang lalake. Nalaman ko na lang na niloloko siya ng batang lalake na iyon na wala siyang mommy kaya ganoom na lang ang galit nito. Tuwang-tuwa naman ito ng pumunta akong school at talagang pinapakalat niya na ako ang guardian niya. Nangyaring lahat ng ito in a span of a week na kasama ko ang bata. Napapaisip na lang ako kung paano hinahandle ni Sac ang bata. Mabait si Gracie pero halata naman ang pagkamaldita nito na namana niya ata talaga sa ama niya. Pero sa loob ng isang linggo na iyon mas minahal ko si Gracie at alam kong hindi dapat at alam kong dapat ay pinipigilan ko. Dahil alam kong ngayon maayos na si Sac mahihiwalay ulit ako sa bata.

"What are you thinking, Rachel?" Tumingin ako kay Aaron habang naglakakad. Karga-karga nito si Gracie at tumingin ito sa akin.

"Anong isip mo po Tita?" Gaya pa ni Gracie. Umiling ako.

"Wala naman baby." Ngumiti ako sa bata at pinisil ko ang ilong nito. Sumimangot ito sa akin dahil ayaw niya na ginagawa ko iyon sa kanya. "Gracie, huwag masyadong makulit at pagurin si Daddy Sac ha?"

"Opo." Natutuwa rin ako sa isang linggong pagsasama namin ay sinasagot ako nito ng 'opo'. Something na pinagkasunduan pa namin dalawa. May reward daw siyang makukuha kapag sumagot siya ng 'opo' at sumang-ayon ko. Maliliit na treats lang iyon o kaya naman ay uuwi kami sa bahay namin at makikipaglaro siya sa mga bata doon na naging kalaro na niya.

"We are here na, Gracie." Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto na tinigilan namin. Bigla naman akong kinabahan at hindi ko rin alam kung bakit. Masaya akong magaling na si Sac pero bakit ako kinakabahan ng ganito? Mas worse pa ito sa naramdamamn ko noon kapag nagkikita kami at palagi pa kaming nagbabangayan.

Binuksan ni Aaron ang pinto at bumungad sa amin si Sac na may shaving cream sa pisngi na nakaupo na sa upuan. Nasa tapat nito si Estelle at may hawak itong pang-ahit. Tumingin ito sa amin at ngumiti kay Gracie.

"Baby!"

"Daddy!" Bumaba agad si Gracie kay Aaron at nagmadaling tumakbo sa Daddy niya.

"Wait Gracie." Ngumiti si Estelle sa bata at pinunasan nito ang mukha ni Sac na may shaving cream. Inahitan niya ito. "Okay, baby, here's your Daddy. He's well and clean shaven." Tumingin sa akin si Estelle at ngumiti. Ngumiti ako ng maliit sa kanya.

Niyakap ng bata si Sac at ang higpit din ng yakap niyo sa kanya. Napangiti ako. Thank God he is well now. Kumandong pa ito sa Daddy niya

"Daddy Sac share your fruits to Gracie" Inabot ni Estelle ang cut na prutas kay Sac at kaagad kumuha si Gracie. Ganito alagaan ni Estelle si Sac. Hinawakan pa nito ang baba ni Sac at pinahiran ang shaving cream na nakaligtas kanina. Napatungo na lang ako. Bakit bigla naman sumama ang pakiramdam ko?

"Since I delivered the goods in the right condition I'll go ahead now." Napatingin naman ako kay Aaron sa sinabi niya. Aalis na siya. Kaagad akong kumapit sa braso nito at tiningnan ako nito.

"Kakarating mo pa lang aalis ka na?" Nagsalita si Estelle at tiningnan lang siya ni Aaron ng matagal matapos ay umirap ito kay Estelle.


Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon