"Saan kayo nanggaling?" Napawi ang ngiti ko ng sinalubong ako ng galit na si Sac. Hindi ko alam kung ano bang pinagmumulan ng galit niya at kitang-kita ko ito sa mga mata niya.
"Gracie, baby, pabihis ka na kay Ate Lana tapos hintayin mo ako sa kwarto mo ha. Puntahan ka ni nanay mamaya. Mag-uusap lang kami ni Daddy." Binaba ko na si Gracie at tumingin ito sa Daddy niya na nakakunot rin ang noo. Mukhang sinasabayan nito ang galit Daddy niya. Si Gracie talaga.
"Opo." Mabilis naman itong tumaas ng kwarto niya.
"Kung mag-aaway tayo hindi sa harapan ng bata." Pinasunod ko siya sa isang kwarto sa baba at sumunod naman ito sa akin. Tumingin ako sa taas at nakita kong nakasara ang pinto ng kwarto ni Gracie bago ko sinarahan ang pintuan ng kwarto na pinasukan namin. "Anong problema?" Mahinahon kong tanong kay Sac.
"Alam mo ba kung anong oras na? Saan kayo nanggaling? Bakit ngayon lang kayo. Kasama niyo ba si Aaron?" Namumula ito na tila galit na galit. "Hindi ka man lang nagpaalam sa akin. May tinatago ka ba? Sabihin mo nga may tinatago ka ba sa akin?" Hinawakan pa ako nito sa balikat at alog-alog pa ako nito.
"Sac, galing lang kami kina ate. At sorry kung late na kami nakauwi dahil nakatulog si Gracie sa bahay at hinintay ko pang magising." Mahinahong paliwanag ko.
"Bakit hindi mo man lang sinabi? O natatakot ka na puntahan kita roon at makita ko kayo na wala?"
"A-ano?" Kahit ayoko siyang pagtaasan ng boses ay hindi ko naman mapigilan sa akusasyon niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Kung gusto mo tanungin mo si ate kung nanggaling ba kami roon. Tanungin mo."
"Bakit ko tatanungin?" Pangagalaiti pa nito. "Ang tanong bakit hindi ka man lang nagpaalam at sinama mo pa ang anak ko." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko dahil hindi ko gusto ang intensity ng pagsasalita niya. Lumayo ako rito ng kaunti dahil nahahawa ako sa galit niya.
"Okey sige tatanggapin ko na mali ko iyon hindi ako nagpaalam kasi nakalimutan ko. Masyado na kasi akong naging abala noon nandoon na kami at nalimutan ko. Sorry. Hindi ko rin naman nasabi sa'yo kahapon dahil hindi ka umuwi ng bahay." Tanggap ko naman na mali ako dahil sa hindi ako nakapagpaalam. Lately kasi ay halos hindi na kami nagpapangita ni Sac dahil gabi na ito umuuwi at tulog na ako at kahapon nga ay hindi ito nakauwi dahil sa may urgent meeting ito sa isang probinsiya. Sa umaga naman ay hindi na ito gaya ng karaniwan umaga namin nag-uusap. Tahimik ang hapagkainan tuwing umaga dahil hindi na ito nag-aagahan at umaalis na lang ng maaga ng bahay.
"Rachel, ang pinakaayaw ko ay iyong may tinatago sa akin at ngayon pa lang lilinawin ko na sa'yo kung ano man iyan tinatago mo sabihin mo na." Napanganga ako sa hindi pagkapaniwala sa sinabi niya.
"Ano bang tinatago ang pinagsasabi? Wala akong tinatago. Ano bang nangyayari at nagiging ganyan ka? Sac, sabihin mo nga bakit ganyan ka na lang magduda sa akin? May ginawa ba ako sa'yo para magduda ka sa akin ng ganito? At bakit hanggang ngayon issue pa rin si Aaron? Tumigil na nga ako sa trabaho ano pa ba?" Magmula ng mangyari ang gabing pag-amin ni Aaron ay pinatigil niya agad akong magtrabaho. Force resignation ang sinabi niya sa HR at hindi ko na inalam kung anong grounds. Sinunod ko iyon kahit na mahal ko ang trabaho ko dahil ayoko ng palakihin ang gulo at para mapayapa na siya pero sa mga nangyayari ngayon...
"Hindi ko alam..." Naiinis na talaga ako sa tono ng pananalita niya at sa pagaakusa niya.
"Hindi ko alam, Sac kung selos lang iyan o ano pero ako na nagsasabi sa'yo na wala na kaming komunikasyon ni Aaron. Wala na. At sana, Sac naniniwala ka sa mga sinasabi ko sa'yo kesa diyan sa mga pumapasok sa isip mo." Naiinis kong sabi at hindi ko alam kung nasaktan ko siya pero nasasaktan rin kasi ako.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.