"Special delivery po." Ngiti ko kay Nanay Melda na nagbukas ng gate nila Gracie.
"Akin na ang baby namin." Nakangiti naman si Nanay Melda at inaabot si Gracie.
"Nay Melda sino yan?" Natigilan ako ng marinig ko si Sac. Umiling lang ako kay Nanay Melda. Ayokong makita ni Sac.
"Si Rachel." Nalungkot ako sa sinabi ni Nanay Melda. Ngumiti lang ito sa akin na tila tuso. "Masarap ang niluto kong ulam dito ka na sa amin maghapunan." Ngiting-ngiti pa ito.
"Nay...hahatid ko lang--"
"Papasukin niyo ng bahay si Rachel, Nay. Gusto ko siyang makausap." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sac. Anong pag-uusapan namin?
"Mag-uusap daw kayo." Wala na akong nagawa. Pumasok na ako ng bahay at karga-karga ko si Gracie na tulog pa rin. Nagising na ito kanina sa nap niya pero nakatulog ulit sa taxi. Mukhang napagod talaga kakalaro.
Nakita ko naman si Sac at nakaupo ito sa sala niya. Nakakaswal na damit pambahay lang ito at mukhang maayos na siya.
"Hi-hi!" Bati ko sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kaba kaya iyon ang panimula ko. Tumingin lang ito sa akin at hindi kumibo. Tumayo ito at akmang kukuhanin sa akin si Gracie."Ako na Sac. Saan ko ba dadalhin sa kwarto?"Kahit naman mukhang maayos na siya ay ayoko naman ipabuhat sa kanya si Gracie. Nakakatakot na mabinat ito.
"Yes please." Nauna na itong naglakad sa akin at binuhat ko si Gracie paakyat ng hagdan. Ang bigat na talaga nito. Sumasakit na ang likod ko sa pagkarga ko sa kanya. "I can carry her. She is becoming too heavy now."
"Okey lang, Sac. Kaya ko pa." Karga ko pa ito hanggang sa marating namin ang kwarto ng bata. Binuksan nito ang pinto at ang ilaw at sumunod ako at pumasok. Inayos ni Sac ang kama ni Gracie at ng matapos na ito nilapag ko na ito sa kama. Nagmulat si Gracie sumandali at tinapik-tapik ko ito para makatulog ulit. Nang makatulog na ulit ito ay dahan-dahan akong tumayo sa kama.
Sinundan ko lang si Sac palabas ng kwarto at hindi ko sinarado ang pinto ng bata.
"Si-sige Sac. Hinatid ko lang si Gracie. Mauna na ako." I am trying hard to calm my voice pero bakit halata pa rin na kinakabahan ako.
"I need to talk to you. Follow me." Seryoso si Sac iyon tipong boss-like at mas lalo naman akong kinabahan.
"Ahm...Sac...kailangan ko ng umuwi."
"Ano naman gagawin mo sa inyo at nagmamadali kang umuwi." Inis pa niyang sabi sa akin.
"Ahm...ano...ano si Andrei naiwan ko...aalagaan ko pa."
"Ah talaga lang? Iniwan mong mag-isa ngayon iyong infant mong pamangkin para ihatid si Gracie? Okey pala si Andrei naiiwan ng mag-isa" Umirap pa ito sa akin.
"Ano ba kasing gusto mong pag-usapan?" Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya at nagtataray na naman siya sa akin ngayon. Para bang bumalik ang aroganteng si Sac o para bang mag buwanang dalaw ito at mainit ang ulo. Ito ba ang resulta ng nangyari sa kanya?
"Papayag ka rin naman pala." Napairap ako sa sinabi nito. "Sumunod ka sa akin." Kahit ayoko ay sumunod ako sa kanya. Hindi ko alam ang pag-uusapan namin ni Sac. Wala akong maalala na kailangan namin pag-usapan.
Dinala na naman niya ako doon sa may veranda ng second floor. Tumayo ito malapit sa handrail ng balcony at hinihintay na maupo ako sa silya. Naupo na ako pero hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin pa rin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.