"What do you want to eat, baby?" Lumiwanag ang mukha ni Gracie sa tanong ng Daddy niya. Kakatapos lang ng play at nagdadrive si Sac. Pareho kaming nasa likod ni Gracie dahil ayaw nitong walang kasama.
"Can we eat at McDonalds, Daddy?" Ngumiti ako ng malaki sa sinabi ni Gracie. Palagay ko naman ay hindi iyon inaasahan ni Sac.
"Baby, we will eat at McDonalds next time. Today is a special day for us because you made us proud of your accomplishment. So anywhere else you want to eat?"
"Ahm...I want fried chicken, I want halu-halo and I want crabs." Napaisip naman si Sac sa sinabi ng anak niya.
"Okay, Daddy knows a place." Kumindat ito sa may rear view mirror at hindi ko alam kung ako ba o si Gracie ang kinindatan nito.
Nagdrive ito sa pamilyar na lugar. Ang hotel kung saan kami nagdate. Sa Casa del Amor. Ang laki-laki ng mata ni Gracie habang naglalakad kami at nakahawak kamay ko sa kanan at sa kaliwa naman ang Daddy niya. Masayang-masaya ito.
Umorder si Sac ng gusto ng bata at nagustuhan naman ni Gracie ang lasa ng pagkain dito. Inorder rin ni Sac ang malaking halu-halo at tuwang-tuwa si Gracie na kumain. Marami itong nakain at mukhang napagod ata sa play niya.
"Did you clap for me, Tita?" Kumandong ito sa akin at tumingin sa mukha ko. Pinunasahan ko naman ang mukha nito na puno ng amos.
"Of course, baby, sumigaw pa nga ako." Totoo naman although hindi ganoon kalakas dahil madidisturb ko naman ang ibang tao.
"I want to be an angel again, Tita. Can I be an angel again for the next play?"
"Of course baby. Pero ngayon naman kahit hindi ka angel sa play, angel ka naman ng Daddy mo." Tumingin sa akin si Sac at ngumiti. "What will your Daddy do without you." Inayos ko ang buhok nito na nagiging maluwag na sa pagkakatrintas.
"How about you, Tita, am I your angel?" Napatitig naman ako sa mga mata nito. She was waiting for me to answer her.
"Yes, baby, you are Tita's little angel." Ang laki-laki ng ngiti nito sa akin at yumakap. Oh how I love her! Hinaplos ko ng marahan ang ulo nito at hinalikan iyon. I caught Sac staring at me without blinking his eyes. Mabilis itong umiwas ng tingin sa akin.
Matapos namin kumain ay naglaro pa kami ni Gracie sa playground sa may hotel. Child-friendly ang hotel at talagang may mga amenities pa para sa mga bata. Tuwang-tuwa si Gracie at laging nagtethank you sa Daddy niya. Mukhang masayang-masaya talaga si Gracie.
Late na ng umalis na kami ng hotel. Pagod na pagod ang bata kakalaro at kahit ako ay napagod. Nakatulog ito sa s habang pauwi na kami ng bahay nila. Bakas ko ang ngiti sa labi nito kahit natutulog.
Hinaplos ko ang buhok nito ng marahan at nabigla naman ako ng nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin.
"Mommy...mommy..." Bumangon ito sa pagkakatulog sa lap ko at kumandong at yumakap sa akin. Humihikbi ito. Nagsasalita pa ito pero hindi ko maintindihan. Mukhang nanaginip si Gracie.
Naghum pa ako at hinaplos-haplos ko ang ulo nito. She is missing her mommy again. Narinig ko ang paghikbi nito at pinatuloy ko lang ang paghum ko at tinapik-tapik ko ang binti nito. Humina na ang hikbi nito hanggang sa tuluyan ng mawala. Nakatulog na nga ito.
Narating na namin ang bahay nila at kinarga ko na si Gracie patungo sa kwarto niya. Dala-dala naman ni Sac ang mga gamit at bag nito. Inihiga ko na siya sa kama at tumagilid ito. Kaagad akong kumuha ng damit pamalit ng bata dahil pawis ito kahit na malamig sa kotse. Pinalitan ko ito ng damit at hindi naman ito nagising. Mukhang himbing na himbing si Gracie sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.