Chapter 12

5.6K 170 33
                                    

Ang ganda ng ngiti ni Becca at ng isa pang receptionist na kasama nito pagpasok ko ng opisina. Isang araw lang ako nawala at mukhang ang laki ng inaliwalas ng mukha ng dalawa. Mukhang malaki ang naitulong sa akin ng isang araw na time off. Para bang pinindot ang refresh button ko at napapansin ko ang maliliit na pagbabago sa nakikita ko.


Hindi ako pumasok kahapon. Hindi ako pinapasok ni Sac. Matapos ang nangyari hindi ko sadyang pag-iyak sa kanya sinabi niya na magpahinga raw ako ng dalawang araw. Official time off raw iyon at hindi counted sa leave ko. Ayokong tanggapin noon una pero pinilit niya ako. Nagrason pa ako na wala si Aaron pero sinabi niya lang na huwag na akong mag-isip. Pakiramdam ko ay kakaibang Sac ang kausap ko ng oras na iyon. Sumunod na lang ako sa kanya dahil ayoko ng mag-away pa kami. Alam ko naman siya rin naman ang masusunod sa huli.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ng opisina. Napakarami kong trabahong iniwan at kailangan kong ihanda ng sarili ko sa haharapin ko.

Natigilan naman ako ng makita ko ang kwarto. Ang mga tambak ng papel na puro trabaho na nasa mesa at upuan ko ay nawala. Teka, huwag mo namang sabihin itinapon iyon?


Kaagad akong lumabas ng kwarto at lumapit sa counter nila Becca. Ngiting-ngiti pa rin ito.


"Becca, pinalinis niyo ba sa cleaner iyon kwarto ko?"

"Oo, Rachel." Ngumiti pa ito sa akin.

"Ha? Eh nasaan nilagay iyon mga papel sa mesa at upuan ko? Alam mo ba?"

"Ahm, better ask Mr. Villegas. He is there in his office."


"Na-nandito si Mr. Villegas?"


"Yup, he is covering for Aaron. Nandoon siya sa kwarto tabi ng HR." Tumango na lang ako sa sinabi ni Becca. Covering siya ni Aaron? Patay na! Ibig sabihin sa kanya ako magrereport ng lahat ng activities ko. Aaron naman talaga!

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta nga sa opisina ni Sac para tanungin siya. Pero kung siya lang talaga ang nakakaalam ng mga papel sa mesa ko at sa kung saan niya pinalagay wala na akong magagawa.


Kumatok ako sa nakasarang pintuan niya. Narinig ko siyang nagsalita ng pasok kaya binuksan ko iyon at pumasok sa opisina niya. First time kong makapasok rito at hindi ko alam na may sarilinh kwarto sa opisina si Sac. Tumingin ako sa mesa niya pero wala siya doon. Sinundan ko ang boses niya na tila may kausap at nakita ko siya malapit sa may bintana. Tumingin ito sa akin at tumango saka sinenyasan ako na maupo sa may upuan. Naupo ako sa upuan sa tapat ng table niya at doon ko naman napansin ang ilang papel na trabaho ko. Teka, kinuha niya?


"I'll see you later tonight. Bye baby." Nakatawa pa si Sac habang nakikipagusap sa telepono nito. Minsanan ko lang talaga makitang nakatawa ang lalake na ito at bagay sa kanya ang ngumiti paminsan-minsan.


Tumingin ito sa akin at naging blanko na naman ang itsura nito. Humakbang ito papuntang table niya saka umupo. Hindi komportable ang pakiramdam ko ngayon.

"Didn't I tell you to take 2 days time off? Why are you here?" Napalunok ako sa sinabi niya. Ito na nga bang sinasabi ko. Sana hindi marinig sa labas kung papagalitan ako o mag-aaway kami.

"Yes, sir. Pero meroon po kasi akong meeting sa agent ngayon. Naeschedule ko na po kasi at ayoko naman pong mano-show ako." Umiling pa ito pero hindi na ito nagsalita.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon