Nakaupo si Gracie sa gitna namin ni Sac at abalang nanunuod ng play. Magkahawak kamay pa silang mag-ama habang nanunuod. Gracie looks beautiful tonight. Suot niya ang isa sa mga dress na binili namin na kulay baby blue at nakatrintas ulit ang buhok nito palibot sa ulo niya na parang crown. Ang ganda-ganda niya.
Napatingin naman ako kay Sac na nakatingin na pala sa akin ngayon. Ngumiti ako sa kanya. Tumango lang siya sa akin pero hindi ngumiti. Kahit si Sac rin ay postura ngayon. Nakita ko naman na siyang nakaoffice attire pero iba ang suot niya ngayon. Magkahalong casual at pormal. Magaling manamit si Sac sa palagay ko. Mas subtle nga lang kesa kay Aaron pero pareho silang magaling manamit.
"What?" He mouthed to me. Umiling ako. Tinanggal ko na agad ang tingin ko sa kanya.
Nanuod na lang ulit ako. First time kong manuod ng play pero alam ko na hindi ko ito gusto. I find it boring. Inaantok na nga ako at pinipilit ko na lang ibuka ang mata ko. Alam ko na naman ang story ng Beauty and the Beast at ang hinahanap ko ay ang mga kumakantang teapots at iba't iba pang gamit na cursed gaya rin ni Beast. Meroon naman ganoon pero parang mascot lang sila hindi iyon maliliit lang. What am I expecting this is a theater play and not Disney animation pero si Gracie, enjoy na enjoy siya. Well, this is worth it for Gracie. Ang hirap maging magulang sa kabilang parte. Iyon manunuod ka ng Barney kahit inis na inis ka na sa purple dinosaur na iyon at sa nasal niyang boses pero dahil may anak ka na kailangan mo na lang din ienjoy. Ilang videos ni Barney at ng Teletubbies na ang nasa laptop ko simula sa una kong pamangkin hanggang kay Andrei. Natatandaan ko pa iyon una kong pamangkin na pinapaulit-ulit iyong video na birthday ni Bj. Halos isumpa ko na si Barney noon mga panahon na iyon.
Si Sac kaya naranasan din kaya niya iyon? O malimit asawa niya ang nag-aalaga kay Gracie at si Sac ay nagtatrabaho lang. Paano kaya sila noon pinanganak si Gracie? Ano kayang naramdaman ni Sac ng makita niya for the first time ang anak niya? Ano kayang naramadaman niya noon una niyang kinarga si Gracie?
"Ang ganda, Tita Rachel!" Natauhan naman ako ng marinig ko si Gracie. Napatingin naman ako sa stage at nagbo-vow na ang mga gumanap sa play at nagpapalakpakan na ang mga tao.
"Ye-yes baby...Ang ganda." Guilty. Halos wala pa sa kalahati ang napanuod ko sa play ng gumala na ang utak ko sa ibang bagay. Tumingin ako kay Sac na alangan tatawa at alangan seryoso ang itsura. Hindi ko alam kung napuna niya na hindi ako focused sa panunuod.
"Let's go baby." Nilahad ni Sac ang kamay niya sa anak niya like a true gentleman at naggiggle si Gracie bago humawak sa Daddy niya.
Sumunod ako sa kanilang mag-ama. How I love the sight! I think Sac is a doting father. Masyado lang siyang busy but I think he is a doting father at natutuwa ako sa effort niya ngayon. If Hannah can see them now I bet she'll be smiling.
Nasa lobby na kami at tumigil doon ang mag-ama. Tumingin sa phone niya si Sac na tila may hinihintay. Naupo muna kami bi Gracie sa upuan at kahit gabi na ay animated pa ito sa pagkukwento. Sinasabi nito na idodrawing niya raw si Belle at si Beast. Na gusto niya raw makita si Belle ng personal at tatanungin niya kung bad ba talaga si Beast at nakakatakot. Napapangiti ako sa mga kwento at tanong ni Gracie.
"Hi Gracie! Hi Rachel!" Umangat ang tingin ko sa narinig kong pamilyar na boses. Si Estelle at tumitig ako ng matagal sa ganda niya ngayon. Nakablack minidress ito at hubog na hubog ito sa curves ng katawan niya. Straight din ang buhok niya ngayon na nakaladlad. Grabe ang ganda niya.
"Bleh!" Natauhan ako ng naglabas ng dila si Gracie at binelatan si Estelle. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito kay Estelle. Nakita ko ang pag-iling ni Sac sa ginawa ng anak niya.
"Well, that's an improvement, Gracie." Kumindat pa sa akin si Estelle. "Gracie, gusto mo bang makita si Beauty at si Beast? Pwede kitang samahan at makilala sila." Namilog at lumaki ang mga mata ni Gracie. Napangiti ako. Gusto ito ng bata. "What do you think, Gracie? Okey lang ba na samahan ka ni Tita Estelle na makita sila Beauty at Beast?" Nakangiting sabi ni Estelle.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.