Chapter 26

5.5K 228 38
                                    

"Magreresign ka?" Nakataas ang kilay ni ate at alam kong hindi niya gusto ang desisyon ko. "Magtetrenta'y tres anyos ka na ngayon mo pa balak magresign? Ang engot mo talagang babae ka. Alam mo bang mahirap kumuha ng trabaho ngayon ganyang edad ka na? Baliw ka lang talaga. Ano bang pumasok sa kokote mo hangin?" Sumubo na lang ako ng pagkain ko at sinubuan ko si Andrei na kasabay namin kumain ng agahan. Sabado ngayon at walang pasok. "Mabuti sana kung tutulungan mo ako sa grocery kailangan ko ng tao. Ayaw mo naman." Umagang-umaga ay sermon ang napala ko kay ate ng sinabi kong magreresign na ako. Sa totoo lang ay nagpasa ako ng resignation ko kay Aaron pero ayaw niyang tanggapin. Binalik niya agad sa akin the moment na nabasa niya ito. Hinding-hindi niya raw tatanggapin ang resignation ko lalo na raw ngayon na hindi pa nagtatrabaho si Sac dahil sa nangyari sa kanya at si Aaron ang in-charge. Kailangan daw nila ng tao. Hindi ko pa rin titigilan si Aaron about sa resignation ko. Hindi naman kasi maintindihan ni Aaron ang rason ko at mukhang wala siyang balak na intindihin.

"Sige na ate. Itatakbo ko muna ang mga aso." Pinaubos ko na kay Andrei ang pagkain niya at napainom ko na ito. "Mamaya na lang tayo maglaro Andrei pag-uwi mo ha? May gagawin lang si Tita."  Nagmumble si Andrei na tila alam ang sinasabi ko.

"Ayan diyan ka magaling sa mga aso mo. Kung iyan pala ang gusto mo bakit hindi na lang iyan ang gawin mong trabaho. Para may silbi ka naman." Inikutan ko ng paningin si ate.

"Bye ate." Kinuha ko na ang mga tali ng aso at tumuloy sa likod bahay.  Meroon kaming aso na total ay lima. Dalawang Golden Retriever, isang Pitbull, at dalawang Chihuahua na long coat. Nilagyan ko na sila ng isa-isang leash. Ganito naman lagi ang trabaho ko every Saturday at sanay na ang mga aso ko sa morning exercise nila.

Pawis na pawis ako ng makabalik ako ng bahay. Ibang route kasi ang tinahak namin ng mga aso at mas mahaba. Nakipaglaro din muna ako ng catch sa kanila bago tuluyan umuwi. Marami na ang aso ko at mukhang kailangan ko na ng mas malaking lugar.

"Tita Rachel!" Nagulat ako ng makita si Gracie na tumatakbo patungo sa akin. Kaagad naman niyakap ako nito matapos ay hinawakan niya ang ulo ng lahat ng aso ko. Kilala na ni Gracie ang lahat ng alaga ko dahil noon nasa ospital ang Daddy niya ay malimit ko siyang dinadala sa bahay. Pero teka ibig sabihin kaya siya nandito ay nandito rin ang Daddy  niya?

Dinala ko muna sa likod bahay ang mga aso at kasa-kasama ko si Gracie na gustung-gusto ang mga ito. Pumasok kami mula sa likod na pintuan at patingin-tingin ako sa loob. Ayokong makita ako ni Sac ng ganitong itsura.

"Tita, pwede po ba ako makipagplay kina Matty?" Inupo ko si Gracie sa may counter at kumuha ng juice sa refrigerator at binigay ito sa bata at tubig para sa akin.

"Pwede baby. Maliligo lang si Tita tapos pupuntahan natin sila mamaya. Nasaan nga pala ang Daddy mo?"

"Sa bahay."

"Sino kasama mo ngayon?" Kung wala si Sac ay sinong kasama ng bata.

"Si Tita Estelle po. I told Tita Estelle that I want to come to your house and she said she wants to see you also." Tumango ako. Kinarga ko si Gracie papuntang sala at nakita ko naman si Estelle na nakikipagusap kay Ate Magda. Bakit naman gusto akong makita ni Estelle?

"Oh nandito na pala si Rachel. Maiwan ko muna kayo." Kinuha ni Ate Magda ang bag niya at pupunta siyang grocery. Kasama niya si Andrei na nakabihis na ng mickey mouse ensemble. Ang cute talaga ng pamangkin ko.

Binaba ko si Gracie at kaagad itong naupo sa paborito niyang upuan sa sala at binuksan ang tv. Nakakatuwa na at home na siya sa amin.

"Tita, ano pong channel iyon Nickelodeon?"

"One four four, baby." Kinuha nito ang remote at nilipat ang channel.

"Ahm, drinks sorry Estelle. Anong gusto mo kape? juice?" Pag-aabala ko pa. Hindi ko talaga akalain na magkakaroon ako ng bisita at si Estelle pa.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon