Epilogue

10.1K 332 88
                                    

"Boaz!" Narinig ko naman ang sigaw ni Gracie sa kapatid niya. Lumingon ako kay Boaz na abala na kinakausap ang mga halaman sa garden na siya na ngayong nag-aalaga. Passion na talaga at talento ng bunso namin. Kahit na anong itanim niya ay tutubo ito. Ganoon kagaling ang mga kamay niya kaya ito na rin naman ang kurso ng bunso ko. Agriculture at ang major niya ay horticulture. Nakakamangha at nakakatuwa lang na may kakaibang hilig ang bunso ko.

"Boaz! Phone. Your girlfriend." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Gracie. Twenty years old na si Boaz pero mukhang hindi ko naman maatim na may girlfriend na ang bunso ko. Samantalang si Gracie naman ay binibiro namin ni Sac na babaan ang standards para magkanobyo dahil hanggang ngayon ay single pa ito at mukhang walang balak na mag-asawa at nawiwili sa trabaho at magtravel.

Tumingin lang si Boaz sa kapatid niya at ngumiti. Teka huwag mong sabihin may girlfriend na nga ito!

"Ate, pakisabi kay Ate Jireh na hindi ako magiging chaperone niyo sa night out niyo. Bakit hindi na lang si Kuya Josiah at Kuya Joshua?" Nakahinga naman ako ng malalim sa sinagot nito.

"They are not available." Inglesera talaga ang panganay namin kahit kailan.

"Si Kuya Joshua hindi available o hindi mo tinanong kasi nahihiya ka? Lagi yun available para sa'yo ate."

"If you don't want then just say you don't want but come to think of it I think Jireh's cousin Mary is coming with us." Tumingin si Boaz kay Gracie ng mataman matapos ay tumingin sa akin. Ngumiti ito at kitang-kita ko naman ang ngiti ng ama niya sa anak ko.

"Hindi pwede. Movie night namin nila Nanay at Daddy ngayon. I'd rather stay at home with them and with my plants."

"Hay!" Nagpunta na sa kinauupuan ko sa garden si Gracie at mukhang humihingi ng tulong. "Nanay, please convince Boaz, please."

"Huwag mong gawin mediator si Nanay, okey? Lumakad na kayo ate ngayon pa lang para hindi na kayo gabihin. Tatawagan ko si Kuya Joshua para samahan kayo."

"Hi sweetie!" Lumingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Sac. Kakauwi lang nito galing opisina at mas maaga siya sa usual. Sa kanya na rin nagtrabaho si Gracie pero nakaleave ito ngayon araw. Humalik ito sa pisngi ko at hinalikan rin sa ulo si Gracie. "Anong problema rito?"

"Daddy, Boaz doesn't want to accompany me bar hopping later this evening." Nagtaas naman ng kilay si Sac.

"Bar hopping? At kailan ka pa nagsimulang magbar?"

"Dad, I am 26 years old. I can legally do what I want. I can move out from our house if I want to--" Tumingin sa akin si Gracie. "Bu-but I don't want to leave Nanay alone here because Boaz and you Daddy are quite a handful." Tumawa pareho ang dalawa kong lalake. Lumapit na rin si Sac kay Boaz na naglalagay ng gawa niyang pataba sa mga halaman.

"Hay baby, just tell the truth. You will just miss your Nanay if you move out. Nanay's girl."

"Well, I am proud of it." Niyakap na ako ni Gracie. "Nanay, please convince Boaz. He is the only one I trusted." Ako talaga ang pumapagitna sa dalawang ito.

"Boaz--"

"Nay, sorry to cut you short." This what I love about my son. Napakagentleman niya something na nainstill na sa kanya sa pagkabata niya. "Movie night natin ngayon. Tanda niyo pa po di ba na wala dapat sisira ng movie night natin. Si ate na nga aalis ngayon gabi pati ba naman ako. I want to spend my Friday evening with my folks. Ate, walang masama kung humingi ka ng pabor kay Kuya Joshua." Umirap naman si Gracie.

"I trust Joshua." Tumingin ako kay Sac dahil sa sinabi niya. "What is not to trust and like in the boy. He was raised well by your Mama Niel and Papa Zeke. He is responsible and he can protect you. And some more hindi siya siraulo. I can see that he is very respectful."

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon