Chapter 3

6.7K 195 24
                                    

"Ano na naman bang inuungot mo diyan?" Napatingin ako kay Ate Magda. Hindi ko alam na pinagmamasdan niya pala ako.

"Iyon celphone ko nga nawawala." Hinanap ko na sa bag ko at sa kung saan-saan pero hindi ko makita.

"Ikaw nawalan ng celphone? Ikaw na itong napakaimis sa gamit nawalan? Aba'y anong nangyayari sa'yo Rach? Inlove ka na naman ba?" Inirapan ko si Magda. Ano naman kinalaman ng pagiging inlove ko sa pagkawala ng celphone ko?

"Ang natatandaan ko kasi pinahiram ko si Gracie. Iyon sinasabi ko sa'yong anak pala ng walang-modong Sac na iyon. Hindi ko na matandaan kung kinuha ko na ba pabalik."

Tiningnan lang akong mabuti ni Magda. Pakiramdam ko naman ay nakakaloko ang tingin niya.

"Sure ka bang nasa bata? Baka dahil kay Sac lang kaya naiisip mo. Tapos makikipagkita ka para sa celphone mo." Malaki ang nakakalokong ngiti ni Magda. Pang-asar talaga si Ate.

"Naman, Magda. Sinasabi ko sa'yo hindi ko na gustong makita ni isang pirasong buhok man lang ng lalakeng iyon." Totoo naman. Ayoko na talaga siyang makita. Para bang nakita ko na nga ang mortal kong kaaway sa katauhan ni Sac.

"Okey...so bakit hindi mo tinanong kay Gracie kanina?"

"Wala si Gracie. Absent. May sakit daw balita ko sa bagong lead teacher."

"Eh iyon naman pala eh. Hintayin mo hanggang sa bumalik. Atat lang sa celphone mo?" Binigay sa akin ni Magda ang pamangkin ko na baby na si Andrei. Ngiting-ngiti ito na tila nakikipaglandian sa akin.

"Eh kasi naman ate nandoon lahat ng contacts ko...paano na lang kung tumawag si Dave..." Nag-alangan pa akong sabihin iyon.

"Ah kaya naman pala. Aba Rachel gumising-gising ka na. 6 months na kayong wala. Pwede kang magmove on walang pumipigil sa'yo." Ito na naman ang pangaral ni Magda. "Kung ayaw sa'yo hayaan mo. Huwag kang parang loka-lokang humahabol." So just like Magda. Iyon unang boyfriend niya na matapos siyang anakan ay nambabae at walang sabi-sabi ay iniwan niya ito at ganoon rin sa pangalawa niyang boyfriend na tatay ni Andrei. Dalawang beses siyang niloko dahil sa babae at hindi na niya binigyan ng tsansa na magpaliwanag ang mga ito at makipag-ayos sa kanya. At ngayon naman ay inaapply niya sa akin ang pilosopiya niya.

"Iba si Dave ate. Mahal niya pa rin ako pero he needs to be better. Sabi niya after a year magiging kami ulit dahil better na siya. And I am counting on it."

"Hay kapatid ba kita? Bakit ang martir mong babae ka? Nagpapaniwala ka sa Dave na iyon? Hilatsa palang ng pagmumukha noon mukha ng manloloko."

"Ate naman. Hindi porke't guwapo manloloko na. Iba si Dave..." Tawa ng tawa sa akin si Andrei. Ang gwapo talaga ng pamangkin ko. Buti kamukha ng nanay niya.

"Saan parte guwapo si Dave aber?" Nagtitiklop naman si ate ng damit nila mag-iina.

"Guwapo si Dave ate. Ang dami kayang nagkakagusto dun." Nagtatawa si ate kasabay ng pagtawa rin ni Andrei.

"Ano Andrei? Mana ka ba kay Nanay? Sana kay Tita-Mommy ka na lang magmana. Mas mabait si Tita-Mommy." Bumungisngis ulit si Andrei at nagmumble na para bang nakikipag-usap sa akin.

"Hello?" Napatingin naman ako ng maghello si Ate. Mukhang may kausap siya sa celphone niya. "Sino 'to?" Tumango si Magda at tumayo at naglakad patungo sa akin. Nakangiti ito na nakakaloko. "Oh ang hinihintay mo." Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Ate. Sinong hinihintay ko? Si Dave? Sinasabi ko na nga ba. Hindi niya ako macontact sa phone ko kaya tumawag siya kay ate.

"Hi babe." Bungad ko sa kanya. Iyon kasi ang tawagan namin dati pa at nasanay na ako.

"Babe?" Nagulat ako sa boses sa kabilang linya. Hindi iyon ang boses ni Dave. Masyadong malaki para sa boses ni Dave

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon