"Hindi pwedeng hindi ka nga umattend ng meeting. Gusto mo bang makareceive ng warning letter kay Sac?"
"Aaron...hindi pa tapos iyon contractor para sa exhibit bukas. Nagpapalit na naman ng concept iyon paborito mong agent. Hay..." Napailing na lang ako. Ex-girlfriend ni Aaron ang agent at mukhang sinasabotahe ata ako dahil hindi si Aaron ang nakikipagliase sa kanya.
"Sabi ko kasi sa'yo iturn down mo na iyan babaeng iyan. Nagpapansin lang iyan sa akin."
"I like her artist's works Aaron. Palagay ko tamang exposure lang ang kelangan para sumikat siya at sana magawa natin tulungan. Inspite of the difficult agent." Ngumiti ako sa kanya. "Hindi talaga ako makakasama sa meeting."
Tiningnan lang akong mabuti ni Aaron. Umiling pa ito sa huli.
"Hindi mo naman purposely na ginagawa ito dahil ayaw mong makita si Sac?" Nakataas pa ang kilay nito. Tumahimik na lang ako. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng pagkikita namin noon manager's meeting. Kahit na lumipas pa iyon ayoko pa rin kahit papaanong makasalamuha siya. Alam kong hindi ako nagpapakaprofessional. Sa ngayon muna talaga hindi ko kayang makasama siya sa iisang kwarto kahit marami pang managers din ang nandoon. Kakaibang pagkailang ang nararamdaman ko sa pag-iisip pa lang noon.
"Oh siya sige...dahil mahal na mahal kita hindi na ako mamimilit. Paghusayan mo iyan ginagawa mo at isupalpal mo sa mukha ng babaitang iyan." Ngumiti ako sa sinabi ni Aaron. Sa maikling panahon pagsasama talaga namin ay naging malapit kami sa isa't isa. Si Aaron na ata ang kauna-unahang lalakeng nakasundo ko na hindi ko boyfriend. Although lalake ito ay effeminate ang pagkilos niya pero hindi ibig sabihin noon ay bakla siya. Sa mga nakikita kong iba't ibang kasama niyang babae araw-araw at sa mga kwento niya palagay ko ay playboy ito. Hindi nga lang halata sa personalidad niya.
"Kaya tayo natsitsimis eh. Iyan pamahal-mahal ka pa diyan."
"Well, totoo naman mahal kita. I really think I found a soulmate in you. We just clicked." Inirapan ko na lang ito. Oo, immediately reporting ako kay Aaron pero hindi nito pinaramdam sa akin na boss ko siya at mas mababa ako sa kanya. At hindi lang iyon sa akin. Kahit sa mga kasama namin sa opisina. Napakalight at charming na tao ni Aaron. Madaling pakisamahan at madaling mahalin. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Kaya maraming naloloko ang lalakeng ito dahil sa charms nito pati na rin ang mabulaklak niyang dila. "Oh huwag mo naman sabihin nahuhulog ka na sa akin kung makatingin ka diyan." Inirapan ko ulit ito. Inuumpisahan na naman niya akong landiin.
"Sasabihin ko kapag nahulog na ako sa'yo. For the meantime malalate ka na sa meeting mo at isusupervise ko pa ang contractor natin."
"Ilang beses mo ng sinasabi sa akin iyan eh. Hindi pa ba? Hay naku huwag mong sabihin iyan si Dave pa rin ang laman niyang martir mong puso. Pagawan kita diyan ng rebulto sa labas eh lalagyan ko ng title na "ang dakilang sugar mommy". Ngiting-ngiti pa ito sa akin.
"Baliw. Ewan ko sa'yo Aaron. Sige na late ka na at busy pa ako." Kinuha ko ang plano ng hall at nirolyo ito. "Bye, cupcake. Ingat ka sa pagdadrive." Naglakad na ako pero nilingon ko ito at kinindatan. Iyon kasi ang paboritong endearment nito sa akin.
"Thanks, cupcake. Sabihin ko na lang kay Sac na ayaw mo pumunta kasi ayaw mong makita ang pagmumukha niya." Nakatawa pa ito. Pinanlakihan ko lang ito ng mata sa sinabi niya.
"Hindi, sabihin mo hindi ako pumunta para mamiss niya ako ng sobra."
...
"Good enough." Iyon ang sinabi ng agent ng artist na may exhibit. Ngumiti na lang ako at nagustuhan niya. Bago kasi magsimula ang exhibit ay napakaraming reklamo ang narinig ko sa agent na kesyo hindi nila gusto ang pagkakalagay ng painting, na kulang ang lighting at marami pang pagtuturo ng mali ang naganap. Buti na lang talaga na trusted ko na ang contractor ko at ginawa nila iyon right away. Napakademanding ng agent ni Fat Boy.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.