"Sir, nandiyan na po iyon shipment ng bagong paint---" Natigilan naman ako at binuksan ko ng mas malaki ang awang ng pintuan ng opisina niya at tumayo ng maayos. May ibang tao sa office ni Sac, babae at mukhang masaya silang nag-uusap.
"Yes, Rachel?" Tumingin sa akin si Sac at nagtaas ng kilay. Nilingon ako ng babae at ngumiti ito sa akin. Maganda ang babae pero hindi ito iyon gandang-ganda ako. She was simple and there was something in her smile that made me smile back. And she was pregnant.
"Du-dumating na po iyon shipment po ng bagong painting." Mas napapatingin ako doon sa babae dahil sa ngiti niya. Napapaisip naman ako kung girl crush ko na siya pero kalimitan ng girl crush ko ay iyon gandang-ganda ako pero hindi naman siya ganoon kaganda more of medyo karaniwan ang itsura niya. "Ako na lang po ang aattend sa delivery." Ngumiti ako sa babae at matapos ay tumingin kay Sac.
"Good. So anong pinunta mo pa rito?" Gusto kong sagutin si Sac na iyon ang instruction niya sa akin pero hindi na lang ako nagsalita. Tumango na lang ako. "Ra-rachel, I mean ikaw na munang umattend dahil may bisita ako. Tawagan mo lang ako kung may problema."
"Sige po." Tumango ako sa kanya at naglakad papuntang pintuan. Hahawakan ko na sana ang knob ng biglang nagbukas ito at nakita ko si Jireh at tila gulat na nakita ako.
"Ms. Rachel! Nandito ka? Dito ka na work?" Ngumiti ako rito. Ang gandang bata ni Jireh namana niya ang ganda kay Mr. Zeke. "Ms. Rachel, come I will introduce you to my Mama." Kinuha nito ang kamay ko at hinila ako. Hindi na ako nakahindi. Hinila ako nito hanggang sa babae kanina. "Ms. Rachel this is my Mama. Mama, siya iyon teacher doon sa school na nagbigay ng dog kay Gracie." Nakatingin ang Mama ni Gracie kay Sac tapos tumingin sa akin at ngumiti. Tumayo pa ito.
"Pleasure to meet you, Rachel. Niel nga pala. Niel Wilson." Kinamayan ko ito at ngumiti ito sa akin. Napakawarm ng kamay ni Niel at ngumiti ito sa akin at parang kasing init din ito ng palad niya. Siya pala ang Mama ni Jireh at asawa ni Mr. Zeke. Hindi man siya kagandahan but being upclose to her like this...parang may kakaiba siyang warmth...para bang charm...ewan ko kakaiba ang pakiramdam. Para bang she is radiating with light...with goodness.
"My Mama is very pretty right Ms. Rachel? I want to be as pretty as her when I grow up." Ngumiti si Niel sa anak niya and she looked so motherly. Para bang naiinggit ako. Ilang beses ko na bang pinangarap at napapanaginipan may anak na raw kami ni Dave... "and meet my brother. Baby brother this is Ms. Rachel." Inabot pa nito ang tiyan ng Mama niya.
"Ms. Niel may I?" Tumango si Niel at hinaplos ko ang tiyan niya. Ang lambot nito. Ano kayang feeling ng buntis? "Hi baby! Nice meeting you." Nilapit ko ang bibig ko sa tiyan ni Niel.
"Daddy!" Napalingon naman ako sa boses na narinig ko. Si Gracie. Tiningnan lang ako nito ng una tapos ay ngumiti at tumakbo patungo sa akin. "Ms. Rachel! Bakit ka nandito? Are you going to play with me and Milky?"
"Dito ako nagwowork, Gracie."
"Dito ka work kasama si Daddy?" Nanlaki ang mga mata nito at tumingin kay Sac.
"Yes, Gracie." Kinuha nito ang kamay ko at yumupyop rito.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.