Nakatingin lang si Sac sa akin at sinusubukan kong hindi gaano gumalaw pero the more na hindi ko gustong gumalaw the more na may nanganagati sa akin o mapapakurap ako ng maraming beses. Hindi talaga ako sanay. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang naiinis na siya sa akin. Well, first time ko ito at hindi ko alam na ang pagpirmi sa iisang pwesto ng isang oras ay napakahirap pwera na nga lang kung tulog siguro ako.
"Rachel, it is okay to move a little, breathe or to blink. Just don't change the pose." Ngumiti ako sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay. Hindi kasi nakangiti dapat ang pose ko. Sinubukan kong ibalik sa dati ang ekspresyon ko. Ang hirap pala maging model ng isang painter.
Nagsimula ito noon usual early morning coffee namin noon Monday. Tinanong niya kasi ako kung gusto ko raw ba ng painting sa wall ko dahil masyadong maliit ang nilagay ko roon.
"Pwede, bakit bibigyan mo ako ng painting mo?" Biro ko pa. Wala naman akong intensyon talaga na humingi sa kanya. Masyado ng makapal ang mukha ko.
"Sure, ano bang gusto mo?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na papayag siya.
"Ahm...wow! Hindi ko inaasahan na bibigyan mo ako ng painting mo. Well since nagprisinta ka..." Ngumiti naman siya sa akin sa sinabi ko. "Iyon tipong makalumang lugar. Iyon gaya ng probinsya noon unang panahon na may bahay na gawa sa kahoy...iyon ganoon ba."
"Sure, I'll give you one. Mukhang meroon na akong nagawa dati o gusto mo ba ng bago?"
"Hindi! Okey lang sa akin ang luma." Ngiti ko naman sa kanya at sinuklian niya lang ako ng ngiti.
"Can I ask for a favor?" Favor?
"Sure, basta kung kaya ko bang ibigay." Ngumiti siya ng labas ang kanyang mga ngipin. Wow! That look is so mesmerizing. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganoon.
"I want to paint you. Can you be my model?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Paint me? Me as your model?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Yup." He smiled again. Natigilan ako. Did I just see his eyes twinkle?
"Teka...parang hindi naman ako handa. Hindi naman ako komportable na makita mo ng walang saplot ang katawan ko."
Tumawa siya ng malakas at halos walang tigil. Hinintay ko lang siyang kumalma at pinanliitan ko siya ng tingin. Ano bang ibig niyang sabihin?
"That was funny, Rachel." Halos sisinghap-singhap pa rin siya dahil sa pagtawa. "If you want to be painted in nude that's your call." Palagay ko ay minemaintain niya ang pagkalma ng kanyang boses pero may hint ng pagtawa ang tono niya.
"Teka...kasi kalimitan kapag nagpepaint kayo...alam niyo na nude na babae." Tiningnan ko lang siya at ngumiti siya na tila naiintindihan kung saan ako nanggagaling.
"Hindi lahat, Rachel. Gusto kong ipinta ka Rachel kung maari sana may saplot, okey ba yun?" Inambaan ko ito at ngumiti lang ito sa akin. As if naman bibigay ako ng ganoon kadali kapag hiniling niya na nakahubad ako.
"O-okey, sure...paano?"
"Maybe after Gracie's bed time if you are not sleepy yet or tired. I just need an hour a day." Napatitig naman ako sa kanya. "If you want I can pay you to compensate your posing for me." Napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Why would I want to be paid? Hindi ba malaking honor na iyon pinili mo akong ipinta?"
"Well, you are rendering me your beauty as a form service. Pumayag ka na. Magkano ba?"
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.