Chapter 20

5.1K 205 35
                                    

Sa bahay ang party ni Gracie at ang mga bisita nito ay ang mga kaklase niya sa school at ang mga guardians o magulang nito. Nagtransform ang garden nila Sac sa para bang fairy tale land kung saan may mga fairies, wizards at mga unicorns. Ang mga bata rin ay nakabihis ng pang fairy tale. Buti na lang na walang attire ang matatanda pero binigyan kami ng headband na tenga ng iba't ibang hayop.

Ngiting-ngiti si  Gracie at ang ganda-ganda niya habang nakikipaghalubilo sa bisita niya. Suot na niya ang mint green na gown na napili niya at bagay na bagay talaga ang kulay nito sa kanya maging sa theme ng birthday niya. Inayusan ko siya ng buhok gaya ng pinangako ko pero hindi ko alam na may kinuha pang taga-makeup si Estelle. Nagawa ko naman ng maayos ang buhok buti na lang at tinulungan din ako ng makeup artist. Kasama naman ni Gracie si Jireh na equally kasing ganda niya rin. Nakasuot ito ng costume na Tinker Bell.  May ibang kasamang guardian si Jireh at hindi ang Mama at Papa niya. Nabalitaan ko na naglalabor na pala si  Niel kaya hindi ito sumama. Nakasuot ng pang-witch si Estelle pero ang ganda-ganda niyang witch samantalang si Sac ay nakasuot ng pangprince charming sa palagay ko. Nakakatuwa na napapayag ni Estelle magsuot ito ng ganoon.

Maraming activities ang birthday ni Gracie. May nagmagic kasama si Gracie pati na rin si Estelle at Sac at meroon din parang nagcircus, face painting at meroon pang story telling.  Ang ganda rin ng ng design ng garden  at ang sarap ng pagkain. Kanina pa nga pabalik-balik sa buffet si ate at iniwan kami ni Andrei sa table. Mabuti na lang at hindi nagtatantrums si Andrei ngayon at good boy lang ito sa stroller niya.

Nakita ko rin ang ang teacher ni Gracie na si Ms. Mikay. Bumalik ulit ito sa pagtuturo at nagulat na lang daw siya na umalis ako ng school. Hindi ko na lang sinabi ang rason pero sa palagay ko naman ay alam niya na rin dahil balitang-balita sa school ang ginawa ko.

"Ang sarap talaga ng pagkain." Tumingin ako kay ate na kumuha na naman ng dessert.

"Ate konting pigil lang. Nagiging dambuhala ka na." Inirapan ako nito.

"Maganda naman." Nagkibit-balikat na lang ako. "Si Estelle na ba ang susunod na Mommy ni Gracie?" Sumulyap naman ako sa kinaroroonan ni Estelle at Sac at pareho silang nakikipag-usap sa iisang tao na di ko kilala. Nakasukbit ang kamay ni Estelle kay Sac.

"Siguro ate." Sana nga kung ganoon.

"Ganda ni Estelle ano?" Tumango ako sa sinabi niya. "Gwapo rin si Sac, no?" Tumango ulit ako. "Bagay sila." Tatango-tango ako habang nakatingin sa kanila. Ang ganda ng pamilya nila pagnagkataon. Magiging maganda rin at gwapo ang mga kapatid ni Gracie. "Eh si Rachel at Sac bagay rin 'no?" Tumango ako. Natigilan ako at sinulyapan ko si ate. Ngiting-ngiti si ate sa akin.

"Tumigil ka nga ate."

"Bakit naman? I am just stating observation." Mapang-asar pang wika nito. "At masasabi ko lang gusto ka ng anak, pwedeng-pwede na magustuhan ka rin ng tatay. Konting landi Rachel. Iyan ang kailangan mo."

"Hindi ko alam kung bakit tayo nagkaroon ng ganitong conversation. "

"Dapat nga nagkakaroon tayo ng ganitong conversation kasi magkapatid tayo. Anong score niyo ng boss mo?"

"Ate wala. Magkaibigan lang kami."

"Baka ikaw kaibigan ka lang sa kanya at ikaw naman inlove na."

"Ate ikain mo na nga lang iyan frustration mo sa love. Magbabanyo lang ako." Iniwan ko na si ate sa mesa at sa kung anu-anong iniisip niya. May score-score pa itong nalalaman. Baliw na talaga si ate.

Nakita ko si Nanay Magda sa loob ng bahay at kinawayan ko siya. Sinabi ko na magtotoilet ako at pinagtotoilet niya ako sa second floor kasi raw ay may nakapila na sa baba. Ayoko pa noon una pero pinilit na niya ako. Pang-pamilya lang kasi nila ang toilet sa second floor pero sumunod na lang ako rito.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon