Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. T-shirt, jeans at chucks ang suot ko ngayon Friday. Ngayon ang sinabi ni Sac na date at hindi ko alam kung ano ang dapat i-expect at ang hidden agenda niya sa date na ito. Noon first date namin ay posturang-postura ako at ngayon naman ay hindi. Hindi sa hindi ko pinaghandaan pero ayokong mapahiya na sobrang porma ko pero siya naman ay hindi.
"Uy Rach! Kanina ka pa nakatingin diyan sa salamin. Hinahanap ka ni Aaron." Napatunghay naman ako at nakita si Becca na nasa tabi ko na pala sa may lababo ng CR.
"Sige, susunod na ako." Ngumiti ako kay Becca. Nakafloral itong damit na fit na fit sa kanya. Kitang-kita ko naman ang magandang hubog ng katawan niya at bagay na bagay ang suot niya sa kanya. Dapat bang ganoon rin ang suot ko? I mean iyon presentable man lang kesa sa suot ko ngayon? Tsk! May panahon pa ako para magback out sa date namin.
Bumalik na ulit ako sa opisina. Sampung minuto na lang ay uwian na. Hindi ako nagpasundo kay Sac dahil ayokong matsismis kami. Sinabi ko na lang na sabihin niya sa akin ang exact place at magbabyahe ako patungo roon. Pero hanggang ngayon ay wala akong narereceive na message o tawag galing sa kanya.
Tumuloy ako sa office ni Aaron at nakita kong nag-aayos na ito ng gamit.
"Hinahanap mo raw ako?" Lumingon sa akin si Aaron.
"Sa akin tumawag ang ka-date mo. Ihatid daw kita dahil ayaw mo raw magpasundo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Aaron. Pati ba naman si Aaron.
"Hay..."
"Mukhang natatakot na hindi mo siputin." Nakataas na kilay na sabi nito. Umiling na lang ako. "Ano handa ka na ba? Magbibihis ka pa ba? Dalian mo at meroon din akong lakad."
"Huwag mo na kasi ako ihatid."
"Hay...huwag niyo nga akong pagitnaan niyang si Isaac. Itatali ko kayong dalawa diyan. Para kayong mga teenagers." Irap pa nito sa akin. "Ano handa ka na ba o hindi? Nakakairita na kayong dalawa."
"Handa na ako." Parang nag-iba naman ang mood ni Aaron. Kaninang umaga lang ay okey naman kami. Ngayon hapon naman ay bigla na lang siyang naging bugnutin.
Nakasakay na ako sa kotse ni Aaron at halata kong kakaiba si Aaron ngayon. Tahimik lang siya at kanina pa niya ako hindi kinikibo. Mukhang may pinagdadaanan ata ito o may problema kaya ganito.
"You are staring at me." Ngumiti ako sa sinabi ni Aaron atleast ngayon ay nagsasalita na ito.
"Yes...may problema ka ba, Aaron? Gusto mo bang pag-usapan?" Inirapan lang ako nito gaya ng ilang libong pag-irap niya at ngumiti ako. Atleast sa pag-irap na iyon bumalik ang dating si Aaron.
"Ikaw...ikaw ang problema ko." Pagdadrama pa nito na para bang nasa movie. Natawa ako. Baliw talaga.
"Serious na, Aaron. What's bothering you?" Tumigil ang kotse niya dahil nakared na ang stoplight. Lumingon naman ito sa akin.
"Hay, Rachel, ikaw nga. Ikaw nga ang problema ko." Nabigla naman ako ng kinuha ni Aaron ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Tigilan mo nga ako, Aaron." Bawi ko pa ng kamay ko sa kanya.
"Tingnan mo na. Sinabi ko na ang problema ko hindi ka naman naniniwala."
"Eh hindi ka naman kasi seryoso." Irap ko pa rito.
"Hay...wala akong problema, Rachel. I am just a bit sad, that's all."
"Sad?" Umandar na ang sasakyan at hindi na nakatingin sa akin si Aaron kundi sa kalsada. "Bakit? Pag-usapan natin to? May nakipaghiwalay na ba sa'yo sa isa sa mga babae mo? May STD ka na ba? AIDS?" Biro ko pa. Nakita ko naman si Aaron na ngumiti pero hindi umabot ito sa mga mata niya. Anong problema ni nito. "Aaron ano nga 'yon?"
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.