"Anong name ng puppy mo?"
"I named her Milky because...because she is milk in color and she also likes to drink milk every morning." Ngiting-ngiti si Gracie sa tanong ko.
"Milky...nice name, Gracie." She was beaming with pride.
Isang linggong hindi pumasok si Gracie dahil sa pagkamatay ng Lolo niya at ng bumalik ito ay nahalata kong laging mapag-isa si Gracie at madalas siyang natutulala. Alam kong may child counseling sa school at kinacounsel nila si Gracie pero mula ng bumalik siya ay hindi na bumalik ang masigla ngunit masungit na si Gracie. She was spacing out a lot. Ganoon na lang siguro kalapit ang bata sa Lolo siguro nito kaya ganito siya naapektuhan. Kung ganito na siya sa Lolo niya paano pa kaya siya noon namatay ang Mommy niya? Hindi ko lubos maisip na mararanasan agad ni Gracie ang kawalan sa murang edad. Nalulungkot ako kapag naiisip kong si Gracie na walang ina. Kaya naman nabobother ako kung paano tutulungan makamove on ang bata. Hindi ko rin alam kung bakit pero I have this nagging feeling to help her. Bata si Gracie at ang dapat iniintindi niya lang ay maglaro at maging masaya. Kaya naman nabuo na talaga ang plano ko na ibigay ang tuta sa kanya. For the first time again nakita kong ngumiti ito mula sa isang linggong hindi nito pakikihalubilo sa mga classmates niya maging kay Jireh at ang hindi niya pagsusungit sa akin. Ginawa kong pribado ang pagbibigay ng tuta at nakipagkuntiyaba ako kay Lana na dumaan sa flower shop matapos ang klase dahil nandoon ko iniwan ang tuta. Malaki ang ngiti ni Gracie. Nakatingin lang ito sa tuta habang ngiting-ngiti. And she said 'thank you' to me and even hugged me. My heart melted from what she did. Seeing her happy because of the puppy was enough but the hug and thank you, that made me very happy.
"Kamusta na siya? Hindi naman nagalit si Daddy?" Umiling lang sa akin si Gracie.
"Meroon akong pictures. Ate Lana, can I borrow your phone? I need to show Ms. Rachel Milky's photos." Kaagad pinakita sa akin ni Gracie ang litrato ng tuta niya. "Hindi ko pa siya kasama matulog kasi sabi ni Nanay Melda baka umihi siya sa bed ko. Kailangan daw i-itoilet-te-tain."
"Toilet-trained." Ngumiti ako. "Kailangan ilabas mo siya sa bakuran mo at turuan mo na doon lang siya pwedeng umihi at dumumi."
"Paano iyon Ms. Rachel?" Interasadong tanong pa nito.
"Everyday take her for walks. Kahit si Ate Lana ipalakad mo sa kanya si Milky. Tapos kapag mapapaihi siya o makikita mong dumudumi na siya sa loob ng bahay mabilis mo siyang dalhin sa labas kahit na tapos na siya. Laging ganoon hanggang sa masanay siya at doon na niya gagawin iyon sa labas o kapag ilalabas siya." Tumango-tango si Gracie sa akin.
"Ms. Rachel, can you come home with me so that you can show me how." Natigilan naman ako sa tanong ni Gracie. Mukhang hindi ko gugustuhin na pumunta doon at madatnan si Sac.
"Ate Lana can show you. I will teach her how." Umiling si Gracie.
"I want you Ms. Rachel. Ba-bakit hindi ka ba pedeng magbisita sa bahay ko?" Napatingin ako kay Lana na nakangiti lang sa akin. Hindi talagang magandang ideya. "Please?" Napatingin ako kay Gracie ng kinuha niya ang kamay ko at hinihila ako. Alam kong wala akong karapatan magvisitation sa bahay ng mag-aaral na school at hindi ko rin alam kung lalabag ba ako sa rules kahit personal business ang punta. Napabuntong hininga ako.
...
Minasid-masid ko ang paningin ko kung gaano kalaki at kalawak ang bahay at lupa nila Gracie. Maganda at malaki ang kulay puti at asul na bahay nila. Palagay ko ay may tatlong palapag ito at maaring may basement rin. Ang laki talaga ng bahay nila.
Hinila ni Gracie ang kamay ko paloob at lalo akong namangha kung gaano kaganda at kalaki ang loob ng bahay. Hinila ako ni Gracie hanggang sa makapasok kami sa kwarto at doon ay nakakita ako ng limang katao na nasa bilog na mesa na nagkakainan. Manghang-mangha sila ng makita ako at lahat sila ay tumayo.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.