"Tuloy, tuloy kayo Rachel." Pinatuloy kami ni Nanay Melda sa bahay nila Sac. Kasama ko si Ate Magda at si Baby Andrei pero ang isa kong pamangkin ay hindi sumama. Binata na kasi.
"Ang laki ng bahay ni Daddy Sac." Bulong pa sa akin ni ate. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Tumigil ka nga sa kaka-Daddy mo." Nginitian lang ako ni ate na mapang-insulto. Simula kasi ng marinig ni ate mula sa kwarto ang pagkakamali kong tawagin si Sac na Daddy ay hindi na ito tumigil sa pang-asar.
"Tumuloy na tayo sa dining room. Para makapaghapunan na." Sabi pa ni Nanay Melda.
"Si Gracie--"
"Hi Tita Rachel!" Napatingin naman ako sa hagdanan ng makita ko sa taas nito si Gracie. First time ko lang ito nakitang nakabestida at bagay na bagay ito sa kanya. Hindi ko lang gusto ang kulay para sa kanya dahil itim pero nonetheless she still looks like a little princess.
"Hi Gracie! You are so pretty, baby." Bumaba ng hagdan ito at lumapit sa akin at yumakap. "I missed you, Gracie. Where is Milky?"
"Ate Lana bring her to walk." Kinuha nito ang kamay ko at tumingin kay ate at kay Andrei. "Who are you and what are you doing in my house ugly, fat stranger with the baby?" Natawa ako ng malakas sa sinabi ni Gracie.
"Pigilan mo ako, Rachel kung ayaw mong tampalin ko ang bibig niyan."
"Ate." Umiling ako. "Ate Magda this is Gracie, Sac's daughter and Gracie this is my Ate Magda." Sinimangutan lang ni Gracie ito.
"At talaga naman."
"Ate..." Umiling lang si ate.
"And this little guy here is Andrei." Bubuhatin ko sana si Andrei pero hinawakan ni Gracie ng mahigpit ang kamay ko.
"Don't carry him!" Galit na sigaw pa nito. Tumingin ako kay ate at ngumiti lang sa akin si ate. Mukhang naiintindihan na ni Ate Magda ang sitwasyon.
"Nasaan na kayo? Halika na kumain na tayo." Sumilip si Nanay Melda mula sa dining area at sumunod na kami.
"Nasaan po si Sac?" Tanong ko dahil kami lang ang nasa hapagkainan.
"Sinundo niya si Ms. Estelle. Parating na din iyon." Ngumiti ako kay Nanay Melda matapos ay tumingin kay Gracie. She doesn't seem happy.
"Can we eat now Nanay Melda? I don't want to wait to that ugly lady. And I have a lot of things to show Tita Rachel."
"O sige anak kumain na tayo. Hindi na rin nagpapahintay ang Daddy mo. Kain na." Katabi ko si Gracie at sinandukan ko siya ng pagkain. Napakaraming handa.
"Kayo pong nagluto? Mukha pong masarap."
"Iyon iba lang anak. Iyon iba inorder na ni Sac. At nandiyan ang version ko ng fried rice mo." Napangiti ako.
Kumain na kami at pinasalo ko na ang mga kasama sa bahay. Sabi naman ni Nanay Melda na kapag wala raw bisita ay pinapasabay din sila ni Sac kumain pero ngayon lang sila nag-alangan kasi bisita kami. Sinabi ko na lang na wala naman pinagkaiba kung may bisita o wala. Mas masaya kaya ang maraming kasalo.
"Sorry we are late." Napalingon naman kami sabay-sabay sa may pinto ng dining area. Nakita ko si Sac at Estelle na magkahawak ang kamay. Pareho pa sila ng kulay at design ng polo shirt. "Gracie, Tita Estelle brought you something. It is in the sala. Do you want to see it with Tita Estelle?" Tumingin ako kay Gracie at nagdilim ang mukha nito. "Gracie?"
"Let's go Gracie." Lumapit pa si Estelle kay Gracie at naglahad ng kamay pero tinabig lang iyon ni Gracie.
"Gracie!" Salita ni Sac. Tumingin si Gracie kay Sac at galit na galit ito. Kunot ang noo nito.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.