Chapter 10

5.3K 180 28
                                    

"Congratulations Rachel!" Nakipagkamay ako kay Aaron. Natapos ko na ang three months probation ko at hindi ko inaasahan na ipopromote agad ako ni Aaron. "I hope you will still continue to excel as events manager." Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa sinabi ni Aaron. Hindi ako makapaniwala na mula sa admin ay napromote agad ako sa events manager. Hindi ko lubos maisip na pagkakatiwalaan akong mabuti ni Aaron.

"I will not fail you, Aaron. Thank you for believing in me."

Kumindat pa ito sa akin.

"Hindi lang naman ako ang nakakita ng effort mo, Rachel lahat kami rito sa office. Deserve mo talaga ang promotion. At isa pa mukhang gusto ka ng may-ari ng gallery na ito."

"Ma-may-ari? Teka, Aaron...paano naman niya ako magugustuhan eh hindi ko pa man siya minsan nakita."

"Ganoon? Hindi pa ba? I thought you already saw him twice or thrice?"

"Hindi pa Aaron. Hindi ko pa siya nakita. At ang isa pa Aaron, hindi ko naman kilala iyon owner natin. Ni hindi ko pa nga nakita ang picture niya."

"Ganoon? I thought...anyway, makikita mo siya mamayang hapon sa manager's meeting. Since you are one of our managers now you are included in the meeting. Atsaka ipapakilala na kita sa kanila."

Meeting the owner of the gallery. Sino kaya siya? At gusto niya ako? Paano ako magugustuhan noon kung hindi ko pa man siya nakita kahit kailan? Weird.

...

Pumunta ulit ako sa third floor para ilista ang inventory ng mga high end na mga painting. May nabili at may nadagdag kaming pieces from Kiukok at Gorospe. Nagkaroon kasi ng bidding noong isang araw at nanalo kami ni Aaron sa bidding ng apat na painting. Dalawa kay Kiukok at dalawa kay Gorospe.

Pinagmasdan ko ang painting ni Kiukok. May iba't ibang istilo talaga ang bawat painter at kay Kiukok ay combination ng expressionism, cubism at surrealism. Mas nangingibabaw sa mga works niya noon prime years niya ang pinaghalong expressionism at cubism at ang palagiang tema niya ay bayolente, galit o kalungkutan. Samantalang kay Gorospe naman ay haluan ng iba't ibang style ng pagpinta at ang temang kilala siya ay ang makukulay na pinta ng potrayal ng buhay sa rural na lugar.

Dalawampu ang mga mamahalin namin art pieces. Some can cost half a million and some are even millions. Ganoon katalentado at kakilala ang mga pinta ng mga pintor na ito.

Papunta na ako sa may dulo ng hall ng may mapansin naman akong gumagalaw mula sa likod. Napangiti ako. Baka si Aaron at tinitingnan niya ang nag-iisang painting ni Garcia.

"Sa-sac?!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Bakit nandito na naman ang taong hindi ko gustong makita at nakapasok siya sa nakasecurity lock na third floor. Hindi siya tumingin sa akin at nakatingin lang siya sa painting ni Garcia. Lumapit pa ako sa kanya at malakas kong tinapik ang balikat niya. "Anong ginagawa mo rito? Restricted area ito ha. Paano ka nakapasok rito?" Doon lang siya parang natauhan at tumingin sa akin. Magkasalubong pareho ang kilay niya.

"Bakit ba palaging ang ingay mo?!" Nagulat ako dahil sa lakas ng boses niya.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pwede rito alam mo ba iyon? Restricted ang area na ito at kami lang na may access ang nakakapasok rito. Lumabas ka nga bago pa ako magpatawag talaga ng police dito para ipahuli kita."

"Bakit ako aalis? Kakarating ko pa lang rito." Halata ko ang pagtiim ng panga niya sa inis pero wala akong pakialam. Kung inis lang o galit mas lamang ang nararamdaman ko sa kanya.

"Lumabas ka na kasi!"

"Ayoko!" Naghalukipkip pa ito ng kamay niya sa dibdib.

"Ayaw mo ha..." Pumunta ako sa security button para mag-alarm ang building dahil napasok ng civilian ang restricted area. Pinindot ko iyon at nakipagtagisan ako ng tingin sa lalakeng ito.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon