I was still in a daze. Nakatingin lang ako kay Gracie habang nakangiti ito sa akin ng malaki. Niyakap ako nito ng mahigpit matapos ay kinuha ang kamay ko.
"Are you going to sleep in my room or in Daddy's room?"
Nakatingin ako rito at hindi ko alam ang sasagutin ko. Para bang tinakasan ako ng wisyo sa pangyayari.
"She will sleep in your room, baby." Tiningnan ko si Sac sa sinabi niya. Tiningnan lang ako nito sumandali pero kaagad itong nag-iwas ng tingin.
We just had a wedding in the governor's office today. Maikli lang ang naging preparasyon at si Sac ang lahat ang nag-asikaso. Ang ginawa ko lang ay isama ang witness ko na si Ate Magda at Aaron samantalang si Sac ay isinama si Nanay Melda at si Gracie.
Wala naman exchange of vows na naganap sa pagitan namin. More of responsibilidad bilang mag-asawa ang pinaliwanag ng nagkasal sa amin. Simple, straightforward at stiff, iyon ang kasal namin ni Sac. Wala akong naramdaman emosyon galing sa kanya kaya itinago ko rin ang emosyon ko. Ang tanging nagpakita lang ng emosyon ay si Ate Magda na umiyak at si Gracie na tuwang-tuwa na nasa gitna namin ni Sac.
Matapos ng kasal ay kumain kaming lahat sa labas. Wala rin espesyal sa kinainan namin na iyon kahit mamahalin at magarbo ito. Wala akong gana sa reception namin. Kung hindi lang dahil kay Gracie hindi ko masusurvive ang araw na ito.
Tumuloy na ako sa kwarto ni Gracie. Tuwang-tuwa itong hinila ako sa may kama niya at pareho kaming nahiga roon.
"I am so happy, Tita, that you will be here in our house and won't leave." Tiningnan ko si Gracie at ngumiti rito. Kaya ako pumayag ay para kay Gracie hindi sa ama niya kaya dapat gawin ko lahat ng makakaya ko para mahalin ng lubos ang bata, alagaan at pasayahin ito. Hindi man wise ang desisyon ko pero ito ang pinili ko. Wala sa palagay kong mali na ibigay ang buong pagmamahal ko sa bata na kaya naman ibigay rin ng buo ang pagmamahal na binibigay ko. Hindi sa humihingi ako ng kapalit kay Gracie pero mas madali lang kasing mahalin ang taong minamahal ka rin. Sa buong pagsasama na ito ang magiging focus ko at main goal ko ay si Gracie. She is my outmost concern.
"You two look comfortable." Tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Sac na nakatingin sa amin at nakangiti.
"Daddy, I am so happy that Tita Rachel will not leave us anymore. I am so happy." Ngumiti ako sa bata sa sinabi niya.
"Baby, you shouldn't call her Tita Rachel now." Lumapit pa sa amin si Sac at kumuha ng upuan at naupo sa tapat ng kama ng bata. "You can call her mommy because Daddy married her." Pakiramdam ko naman ay ang sakit sa dibdib ang sinabi ni Sac. Daddy married her for you Gracie. Iyon ang paulit-ulit sa utak ko.
"Mommy? Bu-but Mommy Hannah is my mommy." Umupo ito mula sa pagkakahiga niya na tila hindi sang-ayon sa ama niya.
"Gracie, Tita Rachel is now your new mommy."
"No! Mommy Hannah is my mommy only." Matigas na salita nito sa ama niya
"Gracie!"
"Baby, you don't need to call me mommy." Sabi ko rito at ngumiti. "And I don't want to be called mommy because I am not your Mommy Hannah." Tumango naman sa akin ang bata na tila naiintindihan ang tinuran ko. "But how about you call me Nanay? Can we do that, baby?"
"Nanay?" Tumango ako sa sinabi nito. "Okey po, nanay." Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi ng bata. Alam kong matagal bago makagawian ni Gracie na tawagin ako sa pangalan na iyon pero ang sarap lang sa tenga na marinig na may tumatawag sa akin noon. "See Daddy, Nanay not Mommy." Paliwanag pa nito sa ama niya at umiling lang si Sac. " Nanay, can we sleep now? I am tired." Tumango ako sa sinabi nito. "Daddy, Nanay and I will sleep now. Do you want to join us?" Tumingin sa akin si Sac at kaagad akong umiwas ng tingin rito.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.