Niyakag kami ni Aaron lumabas after work since Friday na rin naman. Kakarating lang ni Aaron kahapon at ngayon siya pumasok. Nalungkot ang mga kaofficemate ko sa nangyari dahil hindi na nila makikita si Sac. Kung ako ang tatanungin masaya na ako na wala si Sac. Kahit medyo umayos naman ang pakikitungo niya sa akin ay hindi pa rin ako komportable. Pakiramdam ko kasi na laging may tumitingin ng bawat galaw ko. Pero somehow nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Siguro kasi kahit papaano nakita ko naman na mabuti siyang boss at kapag ginagabi kami ng mga kaofficemate ko ng uwi at wala siyang meeting ay hinahatid niya kami sa bahay namin. Sa palagay ko iyon ang katangian na gusto ko kay Sac. He looks out to his people.
Nagpunta kami sa isang bar sa The Fort na mukhang sosyalin. Ito kasi ang taste ni Aaron. Kumain muna kami ng dinner his treat also matapos ay pumunta na kami rito. Tumuloy kami sa may pinakadulong lugar kung saan may couch at naupo kaming anim. Tuwang-tuwa si Aaron dahil napapaligiran daw siya ng limang babae. Baliw lang talaga ang manager ko.
"So ganyan na pala mga girls, nalukungkot kayo na wala si Isaac ha? Pagkukurutin ko kaya kayo sa singit sa kalandian niyo. Mas gwapo ako dun. C'mon girls..." Natawa ako sa sinabi ni Aaron.
"Hindi ba pupunta si Sir Isaac, Aaron?" Tanong pa ni Becca.
"Hoy babae, kung gusto mo palang si Isaac ang kasama mo eh di mag-apply kang secretary niya hindi iyon nasa opisina pa kita." Umirap pa ito.
"Aaron..." umiling ako sa kanya. Minsan din talaga hindi maganda ang lumalabas sa bibig ni Aaron.
"Tingnan niyo itong Rachel. Si Rachel lang ata itong masaya na dumating ako at hindi nalungkot ng wala na si Sac. Hay...cupcake, kaya love na love kita." Inirapan ko na lang ito at pag-iisipan na naman kami ng grupo ng kung anong tsismis.
"Paanong hindi malulungkot si Rachel eh lagi silang magkasama. Kapag may exhibit, may meeting, may delivery at pakikipag-usap sa contractors at marami pang iba. Rachel, monopolize Isaac's time. Ikaw talaga, Rach, alam mo naman na gusto ko si Sir Isaac. Hindi mo man lang kami binigyan ng moment."
"Totoo ba ito cupcake?" Mapanghusga pang tanong ni Aaron.
"Siya ang nagcover ng duty mo Aaron. Natural na sa kanya ako magreport...alam mo naman iyon. Becca, hindi ko naisip na minopolize ko ang oras ni Sir Isaac. Masyado kaming abala para maisip ko iyon."
"Alam ko naman Rach, kaso nakakainggit lang. Crush na crush ko si Isaac."
"Hoy, babae crush na crush mo talaga ha? Sige nga kung maging girlfriend ka nun lalake na iyon palagay mo ba kayo mong pakisamahan ang pamilya niya lalo na ang anak niya? Baka kay Gracie palang out ka na." Pananakot pa ni Aaron.
"Mahilig ako sa bata. At nakita ko na si Gracie and she is a nice kid." Tumawa ng malakas si Aaron sa sinabi ni Becca.
"Gracie is a nice kid, Aaron mostly misunderstood nga lang." Tumigil sa pagtawa si Aaron at tiningnan lang ako matapos ay inirapan.
"Order any drinks you want my treat. Punta lang ako sa washroom." Nagpaalam si Aaron. Tiningnan naman namin ang menu at may mga kakaibang pangalan ang mga inumin. Hinayaan ko na silang umorder ng iinumin namin.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.