(Yannha's POV)
"Yannha may pa-flowers ulit para sa'yo." Wika ni Ace sabay bigay ng mga bulaklak.
"Hoy Ace, Yannha pala ang nais ha?!" Pang-aasar ni Marky, ang baklang co-worker namin na napadaan.
"Luka, matagal na nating alam na iba ang nais n'yang isang yan!" Wika ko sabay silip kay Laiza na may ginagawa sa kanyang sariling desk.
"Oo nga pala nakalimutan ko may munting sinta nga pla yan kay Laiza." Mahinang bulong ni Marky.
"Manahimik nga kayo 'pag narinig niya kayo eh!" Saway sa amin ni Ace bago iniwan ang bulaklak sa table ko at saka umalis.
"Yannha!" Bati ni Ashlynn nang biglang pumasok sa office.
"O, ano ginagawa mo dito? Leave mo 'di ba?" Tanong ko dahil binigyan ito nang 2 days leave after nang recent project niya.
"Bumibisita lang may dinaan kasi ako eh malapit dito." Wika nito bago napansin ang bulaklak sa desk ko.
"Pero wow ha! Pang-ilang araw na 'yang araw araw na may nagpapadala sa'yo? Walang nakakaligtaang day." Nakangiti nitong wika sa akin at saka ako matipid na ngumiti.
Umupo ito sa tabi ko at saka ako tinanong. "Busy ako nang mga nakaraang araw at nag-leave pa ako. Now ko lang itatanong sa'yo kung sino ba ang nagpapadala niyan?"
Tumingin ako sa kanya at sa mga bulaklak, naalala ko tuloy ang unang beses na nakatanggap ako nito... It was exactly the day after I had a unexpected 'date?' with Nate that supposedly with Kieanne.
----flashback----
"Yannha! May padala rin sa'yo!" Sigaw ni Marky sa may pintuan ng department namin. Kasalukuyan kasi itong tumatanggap ng inorder nito sa online.
Tumayo ako at pumunta sa may pinto, ang pagkakatanda ko naman ay wala akong matatanggap na padala ngayon.
Nasa office ako ngayon and thank God nakakapag-concentrate pa rin ako sa trabaho after the happenings last night.
Nang makarating ako ay may nakita agad akong isang bouquet ng red roses.
"Yannha Santos po? Paki-sign na lang po dito." Sabi ng courier.
"Bruha hindi pa valentines ngayon bakit mo pinadalhan sarili mo ng bulaklak?" Tatawa-tawang wika ni Marky sa tabi ko.
Hindi pa ito bumalik sa desk niya kahit na nakuha na niya ang package niya.
"Bruha ka din hindi ako nagpadala nito sa sarili ko!" Mariin kong sambit at saka humarap sa courier. "Sino po ba ang nagpadala nito?"
Tinanong ko dahil walang nakasulat sa papel na pinirmahan ko.
"Mam hindi ko po alam eh. Sorry po." Wika nito bago umalis.
Naglakad na kami ni Marky pabalik sa aming desk at habang naglalakad ay naghanap ako kung may card or something na pwede kong maging clue kung kanino galing.
Napansin kong may nakasingit na card sa bouquet at kinuha ko iyon at binasa.
Have a good day my lady, may you think of me. <3
-Your one and only
'Your one and only???? The who???'
Then I remember a certain guy saying "I'll make you say I'm your one and only".
'Shemay nag-iinit pisngi ko.'
"Yannha umupo ka na dito at i-chika mo na sa akin kung sino nagpadala niyang rose mo. Sabay na tayong kiligin dito." Kinikilig na wika ni Marky.
Bago pa ako makasagot ay tinawag ni mam Lexi si Marky kaya hindi na ako nito na-armalite ng mga tanong.
I sat down on my chair and switch the flowers on the bouquet to my vase where I put my fake flower ornaments. I stared at it for a moment before looking at the card.
I smiled to myself, maybe he did someway or somehow got into my heart in just a little bit of time we shared.
----end of flashback----
"So....Sino?" Narinig kong tanong ni Ashlynn. "Wala, scam yan." Irita kong sambit.
"Ibang klase din naman pala yung scammer, may pa-card." Wika nito, hindi ko namalayang nakuha pala ni Ash yung card.
Binigkas niya ang mga salitang nasa card na hawak niya sa lakas na kaming dalawa lang ang makakarinig.
Wait for me... Just a little bit more and I'll come to you.
-Your one and only

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...