Chapter 10

14 2 2
                                    

(Yannha's POV)

Achoo! *Ano ba yan nilalamig na ba agad ang sistema ko sa tagaytay eh ang aga pa.* 

"O' Yannha nilalamig ka na agad wala pa tayong tatlong oras dito ah." Nag-aalalang sambit ni mam Lexi, "Mam baka pinag-uusapan ang kagandahan ko, hahahaha." Pabiro kong sabi. 

"Yan-yan, baka naman eh 'yang pagka-hangin mo ang pinag-uusapan nila. Hahaha" Loko ni Jeuliette, "Nagsalita ang hindi mahangin." Ganti ko at sinimagutan ako ng luka-luka. 

"Pero seryoso ang tagal ng mga 'bwisita' ha." Mahinang sambit ni Jeuliette, hinampas ko ito sa braso saka sinaway. "Paano kapag may ibang nakarinig sa'yo, ikaw talagang hulyeta ka." 

Tumingin ito kay mam Lexi at saka nagtanong. "Eh mam, anong oras daw po ba darating ang mga yun? Nakaayos na ang mga upuan wala pa sila." 

Tumingin ako sa mga upuan na naka-ayos na at matagal-tagal din namin ito inayos kasama ang nga kasambahay dito sa villa. 

Ang aming kliyente ay nasa loob ng villa upang doon mag-intay. Inaya rin naman kami sa loob pero mas ginusto naming dito sa garden dahil sa preskong hangin. 

"Sa tingin mo guwapo ang mga groomsmen na dadalo?" Nakangiting tanong ni Jeuliette 

Parehas kasi kaming no boyfriend at the moment at itong si hulyeta ang takot na hindi magkaroon ng boyfriend bago mag-treinta. 30 years old kasi ang dream age niya for her dream wedding. 

"Jeuliette ang alam ko yung mga pinsan ng bride ay kasali sa mga darating ngayon and once ko na nakita ang isa sa kanila, guwapo at matangkad, kung hindi lang ako kasal at loyal sa asawa ko baka pinikot ko na yun." Pabiro ng wika ni mam Lexi

25 years old pa lang kasi ito ay ikinasal na at 6 years na itong kasal at loyal sa kanyang mahal na asawa. Minsan nga ay nadaan sa office ang asawa nito at nakaka-inggit tingnan dahil kahit ilang taon na magkasama ay makikita mong may spark pa rin sa dalawa. 

Kahit na boss namin si mam Lexi, kapag hindi trabaho ang usapan ay nakikisali at nakikigulo ito sa usapan. 

Maya-maya pa ay may dumating na kasambahay at pina-alam sa amin na may dumating nang kasali sa entourage. Hindi na kami pinasunod sa loob at intayin na lang daw namin makarating ang lahat para isang paliwanagan na lamang sa mga guests. Ilang minuto pa ay nakita naming nagpunta na ng garden ang mga dumating. 

Nakita naming ang dalawang babae ang dumating, "So, who is the wedding coordinator?" Tanong ng isa, lumapit si mam Lexi upang magpakilala sa mga ito. 

Parehas kaming nakatingin ni Jeuliette sa mga ito at iniintay naming tawagin kami ni mam Lexi para makapagpakilala. Minsan kasi ay may mga guest ang kliyente namin na nagagalit dahil hindi naman daw kami ang head coordinator ng event ay nagpapakilala pa kami. Lumingon si mam Lexi sa amin at sinenyasan kaming lumapit, tumayo kami at lumapit sa mga ito. 

"Yannha and Jeuliette this is Alexsa and Kaelyn." Pagpapakilala ni mam Lexi, naunang magpakilala si Jeuliette. "Hello po, I'm Jeuliette Cariño assistant coordinator of mam Lexi." Nakangiting bati nito sa kanila. "Hi I'm Yannha Santos, co-assitant coordinator of Jeuliette." Professional kong bati

Tapos ay nagpakilala naman si Alexsa. "Nice meeting you, I'm Alexsa Fuentes, bestfriend of the bride. And this is Kaelyn Garcia cousin of the groom." Nakangiting bati ni Alexsa, si Kaelyn napapansin kong nakatitig sa akin. 

"Umm... Yannha, right?" Wika ni Kaelyn, tumango ako at sumagot "Yes, po." 

Ngumiti ito "You know, when I have an appointment with a client I tend to make myself look more presentable. Look at you, you look horrible." 

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon