(Nate's POV)
*Bago magstart ang rehearsal*"Uy kuya." Tawag sa akin ni Alexsa kaya nawala ang pagkakatitig ko ky Yannha.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya, "If you stare too much, baka matunaw I'm telling you." Seryoso nitong sambit.
"I'm not staring, I'm thinking." Depensa ko at nag-iisip naman talaga ako.
"And what are you thinking about?" She asked, ngumiti ako at sumagot. "Secret bawal sa bata." At saka tumawa
"May secret ka pang nalalaman, sabihin mo na kasing iniisip mong yung assistant at yung crush mo ay magkaparehas ng pangalan." Napatingin kaming dalawa ni Alexsa sa nagsalita.
"'Yun yung iniisip mo 'no?" Nakangiting tanong ni Ryan, nakalimutan kong nandito nga rin pala siya.
Kaklase ko kasi si Ryan noong highschool at naikwento ko sa kanya ang tungkol kay Yannha. Pati na rin noong ipinadevelop ko ang picture ni Yannha ay siya ang kasama ko.
"Anong crush? Kwento naman kayo, close tayo 'di ba?" Pangungulit na tanong ni Alexsa pero hindi namin siya sinasagot.
"Uy Marc! Ano yung tungkol sa crush na 'yun?" Tanong ni Alexsa sa nananahimik na Marc.
"Ha?! A-anong crush?!" Gulat nitong tanong at saka humarap sa aming dalawa ni Ryan.
"Sino ang nagsabi? Sino sa inyong dalawa ang nagsabi na crush ko si Alexsa?" Iritang tanong ni Marc, natulala si Alexsa habang si Ryan naman ay tumalikod dahil sinusubukang niyang i-kalma ang tawa .
"Insan, yung crush na tinutukoy ni Alexsa ay yung highschool crush ko hindi yung iyo." Natatawa kong sabi
Napatitig si Marc sa aming dalawa ni Ryan, na napakalma na ang sarili, at saka lumingon kay Alexsa.
Gusto sanang kumaripas ng takbo paalis ni Marc pero dumating si Kieanne. "Hey the rehearsal is about to start. Mag line up na kayo."
Napansin ata nitong dahan-dahan umaalis si Marc kaya hinila siya nito sa tenga at hinila na rin sa kamay si Alexsa na nakatulala pa rin dahil siguro sa gulat.
"'Wag ka masyado mabilis sa pagdiskarte, baka mamaya tanungin mo bigla nang kasal." Pabirong sabi ni Ryan
"Ikaw 'wag ka bibigay kaagad sa kapartner mo, mahina ka pa naman sa mga cute." Ganti ko at saka nakangiting naglakad para sa line up.
BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...