CHAPTER 28

3 1 0
                                    

(Yannha's POV) 

"What do you want to do first?" He asked. 

Ang shunga ko, bakit hindi ko naalala na magpinsan nga pala sila. 

Tumikhim ako at nagsalita. "Well, yung totoo inintay lang kita para sabihin na I have prior plans after meeting with Kieanne, and since hindi siya makakapunta... I'm sorry I know kararating mo lang but I have to go." 

"Work stuff?" He asked like he was disappointed after hearing what I said. And I kinda felt guilty, dahil siya itong na abala ng pinsan niya dahil sa akin. 

"Magsisimba ako." Sambit ko at saka sumipsip ng macchiato ko. 

"Then I'll go with you." Sambit nito.

Buti na lang hindi ako nasamid nang marinig ko ang sinabi niya habang umiinom ng kape. 

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Saktong hindi pa ako nakakasimba ngayong araw. Bakit? Hindi ba halata sa mukha ko na pala-simba ako?" He said in a flirty smile. 

"Bakit ka pa kasi sasama sa akin baka magkaiba tayo ng sinisimbahan." Sambit ko habang nakatingin sa inumin ko. Hindi kasi ako makatingin sa kanya dahil ang gwapo. Naiilang ako. 

"Hindi naman masamang sumimba sa ibang simbahan ah. Unless you're not a catholic?" Parehong nakataas ang kilay nito nang itanong sa akin yun. 

"Catholic ako, naniniwala ako sa mga santo, santa at syempre sa diyos." Mariing kong sambit sa kanya. 

While saying that I was looking at him and after that I kinda stare at him. Nice face with a bit of Spanish accent if I'm not wrong. Then he smiled, "Liking your view?" He asked in a flirty tone. 

Binalik ko ang tingin ko sa macchiato ko at ininom yun. Pampakalma ng sistema. 

"Well, don't worry I'm also loving what I see." He said while staring at me. 

Magsasalita pa sana ako nang tanungin niya ako kung anong oras yung misa sa simbahan na sinisimbahan ko. "5:00 pm" sagot ko, and tumingin ito sa wristwatch niya. 

I steathily look at him and gosh he looks so perfect. Lord, bakit po ba masyado niyong pinapogi ang lalaking ito sa paningin ko. 

"Malayo ba yung simbahan na sinasabi mo?" 

"Malapit lang, dito lang din sa Mandaluyong area para hindi malayo sa apartment ko." I unconsciously said while looking in my drink. Huli na para marealize ko ang mga pinagsasabi ko. 

"So live in the Mandaluyong area huh?" He said while touching his oh so defined chin. 

Napalunok ako nang titigan niya ako. "Bakit? Kung gusto mo maki-inom magsabi ka, hindi yung may patitig-titig ka pa d'yan." Again, I unconsciously said dahil naiilang ako nadamay pa tuloy ang inosente kong inumin. 

But the moments were so fast that I suddenly felt a hand grab my wrist that is holding the drink. And the next thing I saw is him supporting my wrist with his hand while sipping in my straw.

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon