(Yannha's POV)
"Bruha ka talaga, dapat pumayag ka na. May pa-I'll think about it ka pa d'yan. Tinanggihan mo yung grasyang binigay ng Diyos sa kababaihan. 'Tamo nga pogi,mukhang namang may stable na trabaho at mukha ring maayos na citizen ng bansang ito." Panenermon ni Jeuliette sa akin nang ikwento ko sa kanya ang mga eksena kanina.
Nakaupo kami ngayon sa steps sa harap ng villa. Inabot na kami ng hapon at ngayon pauwi na kami pamaynila dahil may sari-sarili kaming work agenda bukas.
Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa front landscaping ng villa. I've always wanted this kind of house, ok lang kahit hindi ganun kalaki gaya nito basta may malaking space for landscaping.
"Uy, pansinin mo ako 'te, mamaya ka na magday-dream." Wika ni Jeuliette habang kinukuhit ako.
"Ano nga uli yung sinasabi mo?" Tanong ko at nasaponiya ang kanyang noo.
"Sabi ko po ay ano na mangyayari doon sa I'll think about it mo? Eh sa day ng kasal ako ang kasamang assistant that time dahil may event ka the same day 'di ba? So meaning hindi kayo magkikita sa wedding, sa last rehearsal naman baka wala siya kasi kasali siya dito sa pre-rehearsal." Wika nito
BInalik ko ang tingin sa harapan at nagsalita. "Baka naman joke-joke lang yun at paano ako makikipag date sa taong 'di ko kakilala."
"Alam mo yung word na blind date? Uso yun 'no, you wil date someone you don't know at kapag nag click kayo tuloy ang landian." Sambit nito, ewan ko ba kung bakit ko pa naikwento dito ang about doon sa date.
"Alam mo, bakit ako ba ang pinag-iinitan mo tungkol sa love life, yung kila Ashlynn ang pansinin mo at ilang taong ng walang lovelife."
Tinutukoy ko ang kaibigan namin, si Ashlynn na co-worker namin sa Estelle siya nga lang ay event/wedding stylist, si Jade na nagtatrabaho sa marketing ng isang kumpanya nagtatrabaho, and lastly si Ysabella na isang nurse sa kilalang private hospital. Parehas silang nakatira sa Quezon City dahil mas malapit sa trabaho nila. noon ang plano dapat ay sasama-sama kaming apat nilaJeuliette para malapit lang sa apartment ni Ashlynn kung saan sila nakatira ng kapatid niya.
Anyway... Balik tayo sa usapan namin ni hulyeta.
"Ay nako 'te parang mga walang planong mag-move on yung dalawang yun sa ex nila. Tyaka hello, parehas tayong nbsb. Kaya ikaw na lang ang pinili kong pag-initan ang lovelife." Natutuwang sambit nito.
"Bakit ako pa eh parehas nga tayo nbsb. Ano na nangyari sa pagpapa-cute mo dun sa kapartner mo kanina?" Pag-iintriga ko sa kanya
Naging seryoso ang mukha nito at nagsalita. "Next time ko na lang ikukwento."
Magsasalita sana ako nang marinig kong may tumawag sa akin.
"Yannha"

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...