Chapter 12

8 1 2
                                    

(Jeuliette's POV)

"Mam Kaelyn right?, mam hindi po dapat kayo judgemental sa tao. Although wala nga pong make up si Yannha but as her co-worker I can say that she looks presentable enough as a person who is in a appointment." Wika ko in the most professional way I know.

Nairita talaga ako sa bwisit sa hipon na ito. Naturingang ang ganda ng katawan tapos yung mukha, pwe!

"In businesses customer is always right and right now I'm the customer. Are you questioning my judgement about something important in every career?."  Wika nang hipon

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong hinawakan ni yan-yan ang kamay ko at saka ko siya narinig magsalita. "I'm sorry if you seen me as someone who is not presentable enough. I will just excuse myself to tidy myself up." Saka umalis, nagpaalam ako kay mam Lexi para sundan si Yannha at pumayag naman ito.

Naabutan ko si Yannha na kausap yung kliyente naming bride si mam Kieanne. "I'm sorry about Kaelyn, I will talk to her later." Paumanhin nito,  at saka tumuloy papuntang garden.

Nginitian ko na lamang siya nang siya'you mapadaan sa tabi ko. "Yan-yan, ang bilis naman ng news dito sa villa nila mam Kieanne nalaman agad yung tungkol sa'yo eh wala siya dun kanina." Wika ko habang naglalakad kami ni Yannha papunta sa designated room kung saan pwede kami magstay.

"Sinabi daw nung kasambahay yung nangyari kaya ayun nalaman agad." Sagot niya habang papalapit na kami sa kwarto na aming pinag-iwanan ng gamit.

"Pero grabe, pang malakasan ang ganda ni mam Kieanne si Alexsa yung sikat na model na napasama sa top 5 ng Bb. Pilipinas last year at mukhang kasing age lang natin. Siya talaga yung gusto natin natalo lang, sayang. " Wika ko habang binubuksan ni Yannha yung pinto.

"Limot mo ba na ang nakatalo sa kanya ang yung Kaelyn?" Tanong ni Yannha.

"Kaya pala familiar ang hipong yun! Siya yung tumalo sa manok ko. Pero ngayong nakita ko na sila tama akong hipon lang siya mas maganda pa kayong dalawa ni mam Alexsa doon." Wika ko habang papasok ng kwarto

Nang makapasok kami tumingin sa akin si Yannha at nagsalita. "Ayusan mo nga ako, pero yung tama lang hindi yung pang prom baka masyado ka maexcite eh." Natuwa ako dahil hilig ko talagang ayusan si Yannha kapag wala akong magandang inspirasyon na nakikita.

"Hahaha, sige girl ipakita natin sa hipong yun ang bagsik ng ganda mo. Na-conscious sayo mas lalo nating pa-konshusin. Hahahahah!" Excited kong sambit.

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon