(Nate's POV)
Nandito kami ngayon sa isang has station para mag-stop over. Papunta kami ngayon sa Baguio para sa retreat naming 4th year students.
I was looking through our schedule when I notice that there's a bus coming to park beside us. I didn't particularly paid attention to it but I got this feeling someone is looking at me.
Lumingon ako sa bintana ko at nakita yung babae na halatang nagulat nung lumingon ako. I laughed at myself when I saw her face. I didn't take my look off on their side....on the girl.
Seems like the person beside her told her I was looking over them then she looked over. I immediately smiled and waved at her pero mukhang di niya sure kung siya ang kinakawayan ko kaya itinuro ko siya and she point on herself and I smiled at her silly but cute gestures.
Then she smiled and waved at me, inside, my mind was floating but I continue to look calm. Naalala kong may bond paper ako sa bag ko kaya isinulat ko doon ang basic info about sakin and tinanong ko rin siya, ate na naka-blue jacket ang sinulat ko para alam niyang siya ang tinutukoy ko.
Ipinakita ko ito sa kanila at pagkatapos ko tanggalin nagsenyas sa akin yung girl. Wala daw pala siyang pagsusulatan, sayang.
Nakita kong nag-uusap silang magkakatabi, magkakaklase yata kasi parehas ng uniform, may ipinakita sa cellphone yung nasa harap ni ate at sumenyas na nag-text daw sa akin.
Tiningnan ko yung phone ko kung na-receive na yung text pero nang mapatingin ako sa labas at nakita kong tumatawa si ate at mabilis kong kinuha ang digital camera ko at kinuhanan siya.
Tiningnan ko ang kuha ko at I was lucky I captured the moment perfectly, napansin kong na-receive ko na yung text kaso may umepal. "Hi Nate." Sabi ni Bealyn nginitian ko nalang siya dahil masyado akong busy sa pagrereply.
"Anong ginagawa mo? Baka naman pwede mong i-share?" Pa-cute niyang salita, hindi ko nalang siya sinagot, alam kong may gusto sa akin si Bealyn pero alam ko rin na gusto niya ako dahil sa pamilya ko.
Nakapag reply na ako at nagtatype na uli ng bagong text message pero nung matatapos na akong magtype nang may biglang humalik sa akin, naitulak ko tuloy kung sino yun. Nakita ko si Bealyn at napasimangot ako sa kanya.
Lumingon agad ako sa bintana at nahagip ng mata ko na umiwas ng tingin yung girl. Nakita niya, nanlumo ako lalo na nung makita ko ang papalayong bus nila.
Pero tiningnan ko ang phone ko, hindi pa huli para mag-explain. I never believe in love at first sight pero nang maalala ko ang ngiti niya kanina I knew I fell, fell so hard I couldn't come back up.

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...