(Nate's POV)
"Ryan papunta ka na ba sa tagaytay?" Tanong ko sa taong nasa kabilang linya ng telepono. "Oo, dadaanan ko lang yung mga kaibigan ni Kieann dahil ipinapasabay sa akin." Sagot nito,
"i-Text mo nga sakin ang bagong address company niyo at dadaanan ko rin yung magaling mong kapatid na tinatamad mag-drive." Saka ko ibinababa ang tawag, maya-maya naman ay may tumawag sa akin.
"Hello." Sagot ko, "Kuya asan ka na?" Reklamong tanong ng nasa kabilang linya. "Kung maka-asan ka na, makikisabay ka lang naman." Sambit ko at tumawa na lamang ito bilang sagot.
"Ah kuya nakikita ko na yung sasakyan mo, ibababa ko na itong phone call bye." Saka pinatay ang tawag. Nakita kong kumakaway si Marc sa may gilid ng building.
"Naturingang isa ka sa mga amo doon sa building tapos mukha kang tanga habang nakaway, ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado niyo?" Wika ko habang sumasakay ito sa sasakyan ko.
Tumawa lang lang ito at saka nagkutingting ng compartment ko. "Kuya hanggang ngayon pa rin ba hindi mo makalimutan 'yang 4th year highschool crush mo?" Habang nakatingin sa isang picture sa loob ng compartment ng kotse ko.
Pina-develop ko kasi ang picture nito sa camera ko at lagi kong dinadala kung saan ako magpunta dahil nagbabaka sakaling makita ko siya in that place.
Hinawakan ni Marc ang litrato at tiningnan ang likod, "So Yannha pala ang pangalan ng iyong munting sinisinta." Wika nito na may pang-asar na tono. "Bitawan mo na nga yan at hindi ka inaano niyan." Saway ko sa kanya dahil hawak pa rin nito ang litrato.
Tumawa ito at saka nagsalita, "Kuya hanggang ngayon ba gusto mo pa rin siya? Kaya ba hindi ka pa rin nagkakaroon ng matinong girlfriend dahil sa kanya?" Nilingin ko ito at sumagot
"Alam mo 'wag mo na pakialaman ang love life ko, at 'pag ako ang tinopak lagot ka sa akin." Tumawa lang ito at nagpaalam na matutulog muna.
Sinulyapan ko ang litrato na nakalimutang ilagay sa compartment saka ngumiti. Isang ala-alang hindi mabura-bura sa puso't isipan ko ang laman ng litratong yun kaya naman nagbabaka sakali pa rin akong makikita ko si ate with a pretty smile.

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...