(Yannha's POV)
"Yan-yan sa wakas may major project na ako." Wika ni Jeuliette dahil puro birthday party ang napupunta sa kanya at sa kanyang team.
Noong una magkasama sila lagi ni Ashlynn pero ini-hire ng Glamour si Ash for their event kaya nawalan nang isa sa mga kachikahan itong si hulyeta sa mga 'baby project' niya. Nai-intimidate nga lang ang iba naming co-workers sa kanya kaya kaunti lang ang kaclose na dito sa company. May pagka-harsh kasi minsan ang mga salita niya pero mabait yan.
"So, manlilibre ka o magpapa-piyesta?" Pabiro kong tanong sa kanya.
"Gusto ko sana magpa-piyesta pero kailangan ko muna asikasuhin itong project may binigay na files si Kieanne about sa publishing company so gusto ko muna basahin para makapag-brainstorming na kami ng stylist ng team ko." Wika nito at saka lumarga.
"Yannha, tawag ka ni mam Lexi." Tawag sa akin ni Ace isa sa mga co-worker ko.
Tumayo ako para umalis sa desk ko at pumunta sa office ni mam Lexi.
"Yannha, after mo matapos ang mga events mo you can take your 1 week leave. I know how hard you've worked hard and si Jeuliette pa lang ang tumatanggap ng 1 week leave treat ko sa inyong dalawa. You need a rest so I won't take no for an answer." Wika ni mam Lexi.
"Mam kung parehas po kami mag-li-leave ni Jeuliette mas mahirap yun sa inyo so I didn't take your offer at that time but this time I will take it not because you said you will take no for an answer pero gusto ko rin po mag-unwind." Sagot ko kay mam Lexi
Through the years of working together naging comfortable na kami sa isa't-isa ni mam kaya naman if ever na feel ni mam Lexi ay kailangan namin ng break bibigyan niya kami ng break.
Umalis na ako sa office ni mam Lexi at bumalik sa desk ko. Inayos ko na ang mga files na kailangan ayusin, and dinoble check ang mga schedule ko and nag-ready na ako para umuwi. Tutal hindi ko kailangan mag-overtime dahil lahat ng events ko ay during this week and the next week ay puro finishing na lang.
"Yan-yan mauna ka nang umuwi, mag-o-overtime me. Ingat at i-txt mo sakin kung ano plate number ng taxi o yung account nung mismong Pick-up Driver." Text ni Yette dahil nasa meeting room pa ito kausap ang stylist ng team niya.
Ang Pick-up ay app which you can call to drive you somewhere. Less hassle pag-iintay ng normal taxi o fx.
Bago ako tumawag ng Pick-up ay bumili muna ako ng ice cream dahil hindi ako nakabili kanina dahil nakita ko sila Kieanne.
Speaking of Kieanne, sana lang talaga ay hindi niya ibinigay ang number ko kay Nate ng walang paalam sa akin.

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...