(Nate's POV)
*15 minutes ago*"Ry, nasaan na kayo? Malapit na kami." Tanong Ko sa nasa kabilang linya ng telepono.
"Nandito na kami sa may gate nila, we're going in." Sagot nang nasa linya.
"Kuya Ry, 'wag mo na ipasara yung gate aninag na namin yung property siguro by 2-3 minutes andyan na kami." Paalala ni Marc kay Ryan.
"Kuya sa tingin mo magaganda yung mga kapartner natin?" Tanong sa akin ni Marc, hindi ko na lamang ito pinansin dahil baka mapikon if ever na sumagot ako.
After a few minutes nakarating na kami sa mismong property ng magiging asawa ng pinsan namin. I parked the car and I saw 3 more guys just also arrived.
Sinalubong kami ni Kieanne sa main door, "I'm glad you made it here. Akala ko talaga hindi kayo pupunta kasi tamad kayong umattend sa mga rehearsal."
"Matitiis ba namin ang pinaka-close naming pinsang babae?" Sambit ni Marc sabay yakap kay Kieanne.
Yumakap na rin ako at si Ryan aakalain mong napilitan lang yumakap dahil nakasimangot pero sa aming tatlo yan ang pinaka-nag-spoiled sa pinsan naming ito noong bata pa.
"By the way Kuya Nate at Kuya Ry hindi makaka-attend yung kapartner niyong dalawa. Nasa business trip parehas, buti na lang nandyan yung dalawang assistant ni mam Lexi sila na lang muna yung kapartner niyo." Sabi ni kieanne sa amin, ngumiti na lang ako bilang sagot at si Ryan tumango na lang.
Dinala kami ni Kieanne sa garden at nakita naming nandoon din si Alexsa.
Ang bestfriend ni Kieanne na highschool crush ni Marc. Si Marc at si Kieanne ang magka-edad kaya noong highschool magkaklase ang mga ito at mukhang tinamaan ang pinsan naming luko-luko.
"Mam Lexi mga pinsan ko nga pala, this Ryan and Nathaniel Alcantara, then si Marc yung kasama ko last time for briefing." Pagpapakilala sa amin ni Kieanne, pagkatapos ay pinakilala na rin niya ang mga kaibigan niya at pinsan ng fiancé niya.
"Hey!"
BINABASA MO ANG
Love at First Smile
Lãng mạnHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...