Chapter 17

8 1 4
                                        

(Yannha's POV)
'Yeah, I know' daw, "Sorry pinakilala na nga pala kami kanina." I said, nakalimutan kong naipakilala na nga pala kami kanina. 

"No, it's fine, it's just..." Nahihiyang sabi nito habang kamot ang batok. Cute the first word that came into my mind. Nate pala ang pangalan niya, ang guwapo niya lalo kapag close up. 

Being near to him mas naamoy ko pa ang pabango niya, very masculine scent. Wala akong alam sa mga pabango ng lalaki pero gusto ko yung amoy ng pabango niya, sarap singhutin. 

*Shucks naman Yannha hindi ka manyak! Trabaho remember?* narinig kong sabi ng inner voice ko, oo nga pala trabaho muna bago landi at tyaka nakakahiyang landiin si Nate ang guwapo masyado siguradong may girlfriend na. 

Masyadong napalalim ang pag-iisip ko hindi ko namalayang nakatitig na sa akin si Nate. "Uhm... Meron po bang something sa mukha ko?" Tanong ko dahil titig na titig ito sa akin.

"Ah, wala! Ano....Uhm, sorry. Hindi ko kasi maiwasang hindi tumingin sa'yo." Swabeng sabi nito

Ano daw? Ganun na ba kahaba ang buhok ko para masabihan ng ganun ng isang guwapo? Hahaha syempre joke lang. 

"Sir 'wag po kayong mahiyang magsabi kung may something sa mukha ko, hindi naman po ako magagalit." Sambit ko

"Hindi, wala talaga promise. Tyaka wag ka mag-po sakin, I feel like I'm too old. I'm only 30 years old by the way." Wika nito, and I nod my head for letting him know I got it. 

Narinig ko nang tumunog ang music for the entrance. I started to stay focus, panghuli pa naman kami kaya naman itong si Jeuliette na nasa harap namin ay todo pa-cute sa kapartner niya. 

"How old are you by the way? I mean if it's ok to ask, I'm not pushing you to answer me." Tanong ni Nate, pinag isipan ko muna if sasagutin ko ang tanong niya. 

Well wala naman mawawala sakin if ever sinagot ko, so sinagot ko siya. "28 years old." 

I answered, I glanced at my side to see his reaction. I saw him smile and answered...

"I see."

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon