My Character's job and how they do their jobs are all what I want it to be, I do search in the Internet for insights but you know sometimes the information in the Internet is not accurate so peace. Happy Reading
(Yannha's POV)
Inaantok pa ako nang may gumising sa akin. "Yan-yan gising na malapit na tayo sa venue." Gising sa akin ni Jeuliette ang kasamahan ko at bestfriend ko since highschool.
Papunta nga pala kami sa tagaytay dahil gusto ng couple na magkaroon ng pre-rehearsal para sa gagawing garden wedding na gagawin sa isang private villa ng groom sa tagaytay. Ilan daw kasi sa mga kasali sa entourage ay may mga busy schedule at gusto ng couple alam ng mga ito ang gagawin if ever hindi makarating sa main rehearsal.
"Mag-retouch ka muna para naman mukha kang fresh mamaya. Balita pa naman ni mam Lexi na ang ilan sa mga lalaki na kasali sa rehearsal ngayon ay walang girlfriend baka maka-bingwit ka ng malaking isda. Hahaha kaya fresh up na girl." Masiglang wika nito, "Hoy hulyeta, magtatrabaho tayo kaya tantanan mo ako d'yan, saka mas gusto ko na natural beauty ko ang magugustuhan sa akin ng lalaking mamahalin ko hindi yung puro kolorete sa mukha. Que maganda nga ako kapag naka make up tapos pangit naman pala para sa kanila ang bare face ko." Pag-momonologue ko
"Ang dami mong nasabi, sana sinabi mo na lang hindi ka sanay mag-make up." Sagot ni Jeuliette.
Highschool pa lang kasi ay hindi na ako maalam mag ayos ng mukha ko, hanggang pulbo-pulbo lang ang ganda ko noon. Nung tumuntung naman ako ng college tyaka ako naging interesado sa pag-aayos kaso hindi talaga ako binigyan ng talent sa pag-aayos dahil feel ko nag-iiba ang hitsura ko kapag ako ang nag-aayos sa sarili ko. Buti nalang may na inventing tinted na lipgloss, lipstick at powder, at naku paano nalang ako sa trabaho at least kahit yun lang fresh na fresh na ang face ko.
"Girls mamaya niyo na intindihin ang pagpapaganda dahil tayo ang mauuna dumating doon kaya pwedeng doon na kayo magpaganda." Wika ni mam Lexi ang aming head coordinator sa Estelle company which is our company. She is the wedding coordinator ng kliyente namin ngayon, kaming dalawa ni Jeuliette ang assistant ni mam Lexi.
Maya-maya pa ay tanaw na namin ang entrance ng private villa.
The house villa is built with a rustic style and due to the lush greens around, makes the house look more pleasing to the eyes.
May nag-iintay na sa labas ng gate para ituro sa amin kung saan pwede i-park ang sasakyan at saka kami tumuloy papunta sa loob ng bahay para maka-usap ang client namin.
BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...