CHAPTER 22

7 1 6
                                    

(Nate's POV) 

"Kawawa ka naman kuya, hindi ka nakadiskarte dun sa crush mo." Sambit ni Marc na may pang-asar na tono. "Eh, ikaw hindi ka rin naman nakadiskarte ah." Nakangiti kong ganti sa kanya. 

Nagdadrive ako ngayon dahil pabalik na kami ng manila. Nauna lang umalis sina Yannha sa amin. 

"'Di ko alam ang gagawin kanina habang rehearsal kinakabahan ako pero natutuwa kasi mag kapartner kami ni Alexsa. Bakit kasi hindi niyo agad sinabi sa akin na crush mo pala ang pinag-uusapan niyo." Inis na sisi sa akin ni Marc. 

"Nabanggit kaya ng kuya mo talagang focus ka lang kay Alexsa kaya hindi mo narinig. By the way nag-thank you ka na ba kay Kieanne dahil pinag partner niya kayo?" 

Since highschool kasi ay alam na ni Kieanne si Marc tungkol sa feelings nito kay Alexsa. 

"Oo kaso nagantyo ako nang magaling nating pinsan. Sa akin pababayaran yung pang-honeymoon nila." Sabi nito habang napapakamot sa ulo. "Hindi gantyo ang tawag dun, matalino kamo'. She knew you wouldn't be able to refuse her because if you did you won't have a good chance to tell Alexsa your feelings." I said while smiling. 

Isang beses na kasing na-heart broken ang pinsan naming ito kay Alexsa kaya ayun ilang taong naging in-denial sa feelings. Kapag naman gumigimik siya yung madami agad nakikilalang babae, pero alam naman naming ever since highschool si Alexsa pa rin ang gusto. 

"Paano ko masasabi eh ngayong alam na niyang crush ko siya since highschool siguradong magiging awkward yun. Ikaw kuya buti hindi na-turn off yung crush mo sa iyo. Nakita ko kanina yung paglalandi mo, biruin mo kakikita niyo pa lang date agad." Iiling-iling na wika nito. 

Pinahinto ko ang sasakyan dahil nag-red sign ang traffic light after I stopped I glanced at Marc. "Ang pangit ko naman pala lumandi kung ganoon." Wika ko, pinaandar ko na uli ang sasakyan nang maging green na ang ilaw sa traffic light. 

"So hindi ka pa talaga nakikipag landian kanina? Paano ka pala lumandi, baka ma-turn off lalo sa'yo yung crush mo." Sambit nito pero ngumiti lang ako dahil madami na akong plano para ligawan ang aking munting sinisinta. 

"Hay nako kuya, alam ko natutuwa ka dahil nakita mo yung crush mo pero kung wala kang planong seryosohin siya itigil mo na." Pagpapa alala niya sa akin. "Sino namang may sabi na hindi ako seryoso? More than 10 years kami hindi nagkita but right from the moment I saw her again I was bewitched by her again. There's something about her that I don't see in other women I've met or dated. And isa pa si Kieanne lang ba ang may karapatan magseryoso?" I said with a smile, I glanced at him and saw him looking confused. 

"Don't tell me you already want to marry her?" 

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon