(Yannha's POV)
Naka-ilang minuto na after namin maka-alis ng gas station, nakita rin ng mga kaklase ko ang kissing scene na nangyari kanina. Habang nagkakaguluhan sila dahil dun, heto ako nananahimik habang nakatingin sa bintana.
Naalala ko yung moment na nakita ko si Nate para bang music video lalo na't may kanta akong naririnig at that time na nagmistulang background music.
Aaminin ko medyo na-attract ako sa kanya, siya kasi yung type ko eh. Pogi pero cute pa rin at the same time, lalo na kapag ngumiti nako sarap pikutin hahaha pero syempre hindi ko naman talaga kaya mang-pikot.
Hay....I believe in love at first sight but I never believe someone would love me at their first sight or notice me first kaya medyo nagulat ako kasi ako yung tinanong kanina ni Nate eh mas maganda pa sa akin si Michaela.
"Teh ok lang yan siguradong naman akong hindi pa sila kasal dahil 16 pa lang naman daw yung Nate na yun. Pwedeng-pwede mo pa pikutin tyaka mukhang malandi yung jowa ngayon kaya siguradong maghihiwalay sila." Wika ni Michaela, tumawa ako saka sumagot. "Wala akong planong pikutin 'yon no?, tyaka siya kaya yung malandi may jowa na pala nagawa pang mag-pacute sa iba."
Maya-maya pa ay dumating na kami sa first destination namin at tyaka kami pinapila papunta sa entrance. Hinanap ko ang ilan sa mga kaibigan ko, nang makita ko sila ay nakisabay na ako sa paglalakad.
"Hi musta naman ang buhay?" Masigla kong bati sa ilan sa mga kagrupo ko. "May nangyari ba dun sa pwesto niyo kanina narinig naming sumigaw si Ivan eh." Wika ni Gwy,
"Wala lang 'yon, may maharot lang kaming nakita kaya tuwang-tuwa si bakla." Sabi ko nang may biglang kumuhit sa akin.
"Yannha tawag ka ni bakla." Wika ni Jonathan ang aming ever dearest class president. Pumunta ako sa may likuran dahil doon nakapwesto ang sila Ivan. "Anong pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Sabi ko kay Ivan, nakangiting tumingin ito sa akin at kakaiba ang ngiti nito ha.
"Nag-text sa akin si Nate yung kanina daw wala daw 'yon at lalong di daw niya ginusto yun." Wika nito, "Anong pake ko dun? kahit halikan pa niya ang lahat ng babae sa daan wala akong pake." Mariing kong paalala na wala ako care dun kasi we're just strangers that passed by.
*Just strangers lang daw, na attract naman si ate girl kay kuya* narinig kong sabi ng inner voice ko.
"Ano yung halikan na yan ha? Grabe kayo mga bata pa kayo ganyan na ang pinapanood niyo." Naglolokong wika ni Gino, "Kay Ivan mo nalang itanong o di kaya naman kina Michaela o Ralph." Hayaan ko nalang na sila ang magkwento.

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomansaHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...