(Yannha's POV)
"Yette, ipinapatawag ka ni mam Lexi." Wika ko
It's another day at work.
Wala akong outdoor work schedule ngayon kaya tinatapos ko na lang ang mga kailangan tapusin for the events I'm in charge in. And since maunti na lang gagawin ko lalabas muna ako para bumili ng ice cream para deretso uwi mamaya.
Pagkalabas ko ng elevator may biglang tumawag sa akin "Yannha!"
Napalingon ako at nakitang si mam Kieanne at si mam Alexsa. "Hi po" bati ko, ngumiti ang dalawa nag-hi din.
"May appointment po ba kayo kay mam Lexi?" Tanong ko dahil baka may pag-uusapan sila about sa wedding ni mam Kieanne.
"Stop with that po, we're almost the same age tyaka hindi si mrs.Argoncillo ang ipinunta namin. Si Jeuliette, siya kasi ang gusto kong kunin na coordinator for the anniversary ng nung publishing company namin." Wika ni mam Kieanne, akala ko dahil sa kasal niya kaya siya nandito yun pala ibang purpose pala.
"Pwede bang ituro mo sa amin kung saan yung conference room for clients? Ang taray kasi nung receptionist niyo nagtatanong lang kung saan yung daan. Dapat daw alam na namin kasi natandaan niya na kami din yung naligaw last appointment nitong si Kieanne." Iiling-iling na wika ni Alexsa. Natawa ako at pumayag na ihatid sila.
"Yannha, by the way kaya si Jeuliette ang pinili kong maging coordinator ay dahil mukhang type ni kuya Ry si Jeuliette so I want to play Cupid for them. Baka kasi isipin mo nakalimutan kita." Nakangiting wika ni mam Kieanne. "Ay quiet ka lang ha, lagot ako kay kuya kapag nalaman ni Jeuliette." Nag-aalala paalala nito
"Paano ka malalagot eh spoiled ka dun." Natatawang wika ni Alexsa sabay tingin sa akin. "Uhm, bakit?" Tanong ko
"Ang ganda mo nga, kaya siguro ikaw lagi bukang-bibig ni kuya Nate nang magkita kami kahapon sa firm nila." Wika nito, nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba, mas maganda ka kaya sa akin. Ikaw yung model sa ating dalawa." Sabi ko kay Alexsa, "Maganda ka nga, especially when you smile. Balita ko yun yung nagustuhan sa'yo ni kuya Nate." Sambit nito
"Yannha, hindi mo ba type si kuya Nate?" Tanong ni Kieanne, "Sobrang tamlay kasi niya noong umuwi kayo nang hindi man lang nahihingi yung number mo. Hindi ka na nga napapayag makipagdate, hindi pa nakuha yung number mo." Mahinang wika ni Kieanne habang nakatingin sa harap.
Bakit parang kinokonsensya niya ako dahil hindi ko binigay yung number ko. Paano ko naman maibibigay, tinanong niya ba? At ibibigay ko ba? Well, it depends on how he will ask me about it.
Habang nagsasalita ang inner voice ko narinig kong tinawag ako ni Kieanne. "Yannha, ito na yung room." Sabay turo nito sa pintong may nakasulat na 'Conference Room for Clients'. Napalagpas na pala ako.
"Mauuna na po ako sa inyo. Intayin niyo nalang si Jeuliette." Nakangiti kong sabi pero bago pa ako maka-alis ay hiningi ni Kieanne ang number ko dahil gusto niya ako I-treat dahil tinulungan ko sila. I refused at first kaso parang bata na nagpapacute si Kieanne kaya in the end talo ako.
Pinagdadasal ko na lang hindi niya ibibigay yung number ko kay Nate nang walang paalam sa akin.

BINABASA MO ANG
Love at First Smile
Storie d'amoreHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...