Chapter 16

12 1 2
                                    

(Yannha's POV)
"Grabe akalain mo yun magiging stand in partner tayo sa rehearsal ngayon at doon pa sa dalawang pogi. Kinakabahan tuloy ako, ayos lang ba hitsura ko? Hayaan ko bang naka-pony tail ako o ilugay ko? I-braid ko ba? Half-up half-down? Waah mukha ba akong tao?" Aligagang pagsasalita ni Jeuliette

" 'Te, hinga stand in lang tayo, hindi tayo yung totoong kapartner. Tyaka ok na 'yang pony tail mo, maganda ka na d'yan." Pagpapakalma ko sa kanya habang iniintay mag start ang pag-aayos ng line-up.

*flash back*

Pagdating namin ay kinausap kami ni mam Kieanne, "Yannha and Jeuliette, okay lang ba na maging stand in partner kayo dun sa dalawa kong pinsan? Hindi kasi makakarating yung partner nila." Pagpapaliwanag ni mam Kieanne sa amin.

"Mam ok lang po, pero sino po d'yan yung pinsan niyo?" Tanong ni Jeuliette

"Yung kaharap niyong dalawa kanina." Sabay turo dun sa dalawang lalaking nalapitan namin kanina. 

"Ah yung guwapo, single po ba?" Pilyang tanong ni Jeuliette marahang tinapik ko sa siya sa braso para suwayin. 

"Oo, parehas silang single, sino ba sa dalawa ang gusto mo maging partner at dun kita ipapartner." Natutuwang salita ni mam Kieanne 

"Mam dun ako sa naka-black na long sleeves, mukhang ang lakas ng dating. Tyaka mukhang type nitong si yan-yan yung naka-coat na kulay navy blue kaya ipauubaya ko na po sa kanya hehehe." 

Tumingin ako ng masama kay Jeuliette at dinilaan lamang ako ng babaita.

*end-of-flashback*

"Nga pala hindi nasabi sa atin ni mam Lexi o ni mam Kieanne ang name nung groomsmen na papartneran natin." Pag-aalala ko

"Easy na yun 'te, pwede namang tayo na ang magtanong." Matapang na sabi nito na parang kanina lang ay sinasabing kinakabahan daw siya. 

"Yannha, Jeuliette pwede na kayong pumunta sa likod for line up." Sambit sa amin ni mam Lexi, pumunta kami sa linya ng mga bridesmaid at ang sama ng tingin sa amin ni Kaelyn na nasa pinakaunahan. 

Nakita namin si Alexsa na tulala pero mukhang napansin niya kami kaya ngumiti siya sa amin at nginitian namin pabalik. 

Isa pang dahilan kung bakit napangiti ako ay dahil sa kapartner nito na parang tuwang-tuwa na kinakabahan at hindi mapakali, ang cute. 

Panghuli pa ang papartneran namin kaya nadaanan namin lahat ng groomsmen at bridesmaid. 

Pagdating namin nagpacute agad itong si Jeuliette, "Hi! I'm Jeuliette your partner for the day." With matching smile pero mukhang walang pakialam ang kaprtner niya dahil tiningnan lang siya nito at hindi sumagot. 

Muntikan na akong tumawa dahil sa hitsura ni Jeuliette nang hindi siya pansinin nito. 

"Hi!" Bati ng kapartner ko, "I'm Nate by the way." Saka inilahad ang kamay nito, tinanggap ko yun at ngumiti "Yannha." Sambit ko

Then he smiled and said, "Yeah, I know."

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon