(Yannha's POV)
*when I first saw you I already knew there was something inside of you, something I thought I would never find.. Angel of mine... *
Grabe parang anghel nga sa ganda ng ngiti. Kumaway siya, syempre si ate gurl ayaw mapagkamalang asyumera kaya hindi muna ako kumaway 'tas nakatitig lang ako sa kanya.
Itinuro niya ako, 'tas itinuro ko rin ang sarili ko na parang nagtatanong sa kanya. 'Tas biglang ngumiti, edi kumaway na rin ako with matching smile.
Tapos na ang kawayan session namin nakatingin pa rin siya sa amin, well ako din naman nakatingin, anyway napansin na rin nila Ivan si kuya from the other bus.
Mamaya pa ay napansin ko na parang nagsusulat si kuya, tapos may idinikit na bond paper sa bintana niya. "Hi! I'm Nathaniel Luis Alcantara also known as Nate, 16 yrs old and a 4th year highschool student. My number is 0915******** How about u, ate na naka-blue jacket" Nakasulat sa bond paper, syempre nakita rin ng mga kaklase ko na nakatingin sa bintana sa side namin sa bus. At syempre nagulat ako kasi sa pagkakatanda ko ay ako lang yung naka-blue na jacket sa buong bus na ito.
Na-feel ko agad na parang pang-playboy styles ang pakikipagpapakilala niya pero di ko naman siya masisisi ang ganda ko kasi eh charot hahaha. "Yannha hinaharot ka." Sabi ni Michaela, "Hahaha, ang ganda ko kasi eh." Pabiro kong sagot, lumingon ako nakita ko si Nate na parang hinihintay ako sumagot.
Nagsenyas akong wala akong papel at ballpen. "May papel at ballpen ako, gusto mo?" Tanong ni Ralph ang katabi ni Ivan, "Wag na, tyaka baka di naman pala totoo yung pangalan na ipinakita sa atin 'tas sasabihin ko pangalan ko? No way." Sagot ko.
"Siguro naman totoo try ko i-text at may pang-text naman ako." Wika ni Ivan, tiningnan namin siyang nagdududot sa cellphone niya. "Nag-text ako." Wika ni Ivan sa harap ng bintana mukhang naintindihan ni Nate ang sinabi ni Ivan. "Type mo siya 'no?" Pabiro kong sabi at sumimangot lamang ito kaya tinawanan na lamang namin siya.
"Ayaw ko sa mga may gusto sa kaklase." Sigaw niya sa akin, "Ay! May sabit si kuya." Sambit ni Michaela habang nakatingin sa labas.
Tumingin din kami at nakita namin na may babaeng nagpapacute sa lalaki. Maganda yung babae, mapayat at maputi, pero parang walang paki si Nate sa kanya dahil mukhang busy ito sa cellphone. "Nagreply si kuya! At tama ang sagot niya sa tanong ko." Biglang sigaw ni Ivan kaya nagulat kami, pero tiningnan namin yung reply *Ang pangalan ko po ay Nathaniel Luis Alcantara also known as Nate at totoo po yung mga sinulat ko sa bond paper kanina.* Ang text kasi ni Ivan ay ito *Ano ang pangalan mo? At totoo ba yung sinulat mo kanina?*
"Aalis na daw po tayo." Sunod na sigaw ng kaklase naming nasa unahan. Lumingon ako sa labas at nakita kong nakatingin sa akin yung girl na nagpapacute kay Nate kanina, na mukhang busy ngayon sa phone nito.
Napatingin uli ako doon sa babae at nakatingin pa rin siya sa akin 'tas biglang nag-smirk.
Ang bilis ng pangyayari nakita ko na bigla na lang niya hinalikan si Nate pero tinulak naman ito bigla ni Nate saka tumingin sa pwesto namin at ako naman umiwas ng tingin sa bintana, ewan ko kung bakit.
Pero may nag-push sa akin na huwag akong tumingin sa bintana hanggang sa maka-alis na kami ng gas station.
BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...