Chapter 7

10 1 0
                                    

Years later...... 

(Nate's POV)

 "Cheers!" Sigaw naming magbabarkada. Nandito kami ngayon sa bahay ko sa village namin dito sa batangas. 

Oo, magkaka-village kaming magkakaibigan at napabili ako ng bahay at lupa dito sa village dahil sa pangungulit nitong mga ungas kong barkada. But I also moved here because of the ambiance in this village that makes the neighbors grow close together and this is a peaceful village that helps me relax my stressed mind due to work.

"Musta ang bagong maybahay?" Ngingiti-ngiting tanong ni Ryan, isa sa malapit kong pinsan na katabing bahay ko lang. "Gago ka talaga, kung maka-maybahay ka d'yan parang babae ako ah!" Sagot ko sa kanya

"Kuya Nate naman kasi totoo namang may bahay ka di ba kaya bakit ka nagagalit?" Pa-inosenteng tanong ni Marc ang kapatid ni Ryan, mas bata ito ng 2 sa amin ni Ryan at bata pa lang malapit na kami kaya nakasanayang nitong tawagin akong kuya. 

"Huwag ka nga'ng pa-inosente d'yan Marc." Saway ko, "Pero Nate kailan mo planong magkaroon ng totoong maybahay? 30 ka na wala ka pa rin matinong girlfriend na nakikilala namin." Wika ni James

"Bakit may matinong girlfriend na rin ba kayo?" Tanong ko pabalik. Natatawang umiling nalang ang mga ito, habang si Chris ay tahimik na nainom ng beer. 

Anim kaming magbabarkada, 5 kaming magkakaklase noong highschool habang si Marc lagi lang nasama sa amin ni Ryan kaya ayun naging close na rin dun sa dalawa pa naming barkada. Yung isa naming barkada na si Lucas mamaya hahabol dahil literal na pauwi pa lang ng pilipinas.

"I'm still searching for the girl who I will be sure that I will never get tired of loving." I said, at ang mga ungas parang hindi kayang maniwala sa mga sinabi ko. 

"Kayo 'tong magtatanong kung kailan ako magpipirmi sa isang babae tapos 'pag sinagot na kayo ng maayos kayo 'tong parang nanghuhusga kung maniniwala ba kayo o hindi." Inis kong sabi sa kanila, "Nate sa dami ng babaeng gusto maging girlfriend mo ay wala ka pa rin nahahanap? 'Wag mo sabihin na crush mo pa rin yung bata dun sa bus noong highschool tayo." Wika ni Chris

"Kung maka-bata 'to." Kontra ko sa kanya, pero napangiti ako nang maalala ang babaeng nakapagpatibok ng puso ko. 

"Nate mamaya na yang pagpapantasya mo, may pa pre-rehearsal ng kasal ni Kieanne sa isang linggo pwede ka?" Tanong ni Ryan, kasal na kasi ng pinsan naming si Kieann next month at kasali kami sa groomsmen. "Aayusin ko ang schedule ko, saan nga ba ang kasal?" Tanong ko

"Sa tagaytay."

Love at First SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon