(Yannha's POV)
Nakapangalumbaba ako ngayon dito sa table namin ngayon. Nasa cafe ako ngayon with my firends, love kasi namin itong tambayan magkakaibigan.
"Uy anong drama mo ngayon?" Tanong ni Jeuliette nang makapunta sa table namin after nilang umorder. "Love problem?" Ngingiti-ngiting sabi ni Ysabella ang isa pa naming kaibigan.
"Love problem?! Ako?! Love problem?!" Exaggerate kong tanong, "Exagge ka ha, batukan kita gusto mo?" Iritang wika ni Jade sa tabi ko na bising-busy sa pagkukuting-ting sa laptop niya. "Kalma lang Jade nasa cafe tayo, poise remember." Wika ni Ashlynn.
Nandito kami ngayon sa Cafe Corner dahil saktong pare-parehas kaming walang pasok at we always go out if we have time, just to catch up with each other.
Ang since highschool magkakilala ay kaming dalawa ni Jeuliette at yung dalawa ni Jade at Ashlynn, pero kilala na rin ni Jade si Ysabella from elementary nagkita lang ulit sila noong college. And noong college nabuo ang barkadang ito.
"Yette tanda mo pa noong highschool tayo yung fieldtrip natin nung 2nd year." Wika ko kay Jeuliette, "O' ano meron no'n?" Tanong niya habang may kung anong hinahalukay sa bag niya. "Yung nagpapacute sa akin noong sa stopover bago tayo pumunta sa first location. Nakwento ko ba sa iyo?" Tanong ko sa kanya dahil baka hindi ko pala nakuwento. "Ah! Oo, nakwento mo yan sa akin nung 4th year tayo." Sambit nito
"Bakit 4th year nakwento sa iyo eh 'di ba since 2nd year magkaklase na kayo?" Biglang tanong ni Ashlynn, "Ash, 'di ba nasabi na nilang dalawa na naging close sila during their 4th year. Please continue on your story dahil hindi namin yan alam." Wika ni Jade na itinigil muna ang kanyang ginagawa para makichismis. "Please continue." Wika naman ni Ysabella
"Ang pagkakatanda ko kasi Nate ang pangalan nung lalaking nagpapacute noon, eh noong isang araw Nate din ang pangalan nung naging kapartner ko. Feel ko iisa lang yung guy from years ago at yung noong isang araw." Wika ko sa kanila at ang mga mukha nga naman o'! mukha ng mga judgemental.
"Excuse po ito na po yung order niyo." Umayos kami ng upo nang dumating yung crew.
Yun ang gusto namin sa Cafe Corner may service crew sila, para kapag ok na ang order hindi maiistorbo ang customer para kuhanin ang order. Anyways back to the topic nang makaalis ang crew, tumikhim si Jade at nagsalita.
"Bhe inumin mo muna yang choco frappe mo para malagyan ng laman 'yang utak mo kesa hangin ang maging laman." Pang asar na tono nito at saka bumalik sa gingawa niya.
"'Te inggit man ako dahil yung kapartner mo ang nagpapacute sa iyo noong isang araw, pero tama si Jade inumin mo 'yang frappe mo para hindi hangin ang laman ng utak mo." Pagsang ayon ni Jeuliette kay Jade habang pinipigilan ang tawa.
"Mga bruha kayo sa tiyan mapupunta itong frappe kung sakaling inumin ko." Inis kong sabi saka sumipsip sa frappe ko.
"Yannha, if ever nga na iisa sila, idedate mo ba?" Tanong ni Ashlynn, "Isa pang tanong may number ka ba ni guy o binigay mo yung number mo?" Pahabol na tanong ni Ysabella
"Yun nga, paano niya madedate eh luka yan hindi binigay yung number. Pakipot pa, halatang kinikilig naman habang nilalandi siya" Sambit ni Jeuliette habang humihigop ng kaniyang vanilla latte niya. "Bruha, sinong kinikilig?!" Tanong ko
"o' bakit hindi ba totoo?" Tanong sa akin ni hulyeta pabalik
"Well, oo kinilig ako...."
BINABASA MO ANG
Love at First Smile
RomanceHave you ever had any experience of being down and just randomly seeing a stranger smiling and a gush of positivity came to you. Well in my case hindi lang positivity ang nadala sa akin ng pag-ngiti, it gave me the person whom I will spend the rest...