JANJIE KANE SOCRATES
Hay! My ghad! Anong.oras na....mataas na ang sikat ng araw.
Aw. Nakalimutan ko dito pala ako sa bahay ni Chua. And speaking........
What's this????? Nakayakap si Chua sakin na sobrang himbing pa ang tulog. Feeling niya siguro nakayakap siya sa unan. >___
0_________0 kaya naman pala nakayakap kasi wala na si Raprap sa tabi namin.
"Hoy!!!!! Gising na! Nawawala nanaman si Raprap!" Yugyog ko sa balikat ni Chua.
"Later Ma....tulog muna tayo. Sarap mo palang yakapin abnormal." Siya na ngumisi pa talaga! Nang-aasar pa siya! And what did he just call me??? Ma????? As in what??? Mamatay na ko???! Asa tong lalaking to!
"Ano ba Ma!!! Bakit ka naman nambabatok!!!" Sigaw niya sa mukha ko. Infairness ha? Kahit bagong gising siya hindi mabaho hininga niya.
"Anong Ma ang pinagsasabi mo ha??? At bakit ganyan kana??? Diba masungit ka?? Bakit para ka ng tanga!" sigaw ko din sakanya na umupo na sa kama.
"Hindi nalang tayo magsyota ngayon. Mag-asawa na tayo. May anak na nga tayo diba??? Call me Pa and I'll call you Ma. Nasa baba na siguro si Raprap. Fix yourself at sunod kana sa kusina." Siya at iniwan akong tulala. Yung totoo? Anong nangyayari sa isang yon??
Ganun na nga ang ginawa ko. Nagmumog at naghilamos muna ako bago bumaba.
Pagkadating ko sa kusina,ang saya ng dalawa. Pinapakain ni Chua si Raprap at si Raprap naman, tuwang tuwa na kain ng kain sa sinusubo sakanya ni Chua. Para na talaga silang mag-amang tignan.
"Mam-ma!! Eat! Eat!" Langyang batang to. Ginagawa pa ata akong aso. Kung utusan ako parang aso lang e! Tsk!
"Oh Ma andyan kana pala. Lika na. Kain na tayo. Inuna ko ng pinakain si Raprap." Si Chua na pinaghila pa talaga ako ng upuan. Malapit ko na talagang maupakan. >____
"Hoy! Tigil-tigilan mo ako sa kakatawag sakin ng ganyan ha! Baka mamaya Ma-matay kana! Kainis ka!" Irap ko sakanya habang paupo na sa tabi ni Raprap.
Ano ba naman tong set-up namin. Para na talaga kaming isang pamilya. Sana may maghanap na kasi sa batang to.
Pagkatapos naming kumain ay naiwan nanaman ako dito sa kusina dahil pinapaghugas ako ni Chua. Kesyo may asawa na daw ako ay dapat na matuto daw ako sa mga gawaing bahay. Feel na feel niya talaga na mag-asawa na kami! Asa siya!
Pero wala parin akong nagawa kundi naghugas nalang ako bilang pagtanaw ng utang na loob dahil pinakain niya ako. Tsk! Ano ba naman kasi itong pinasok ko.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...