Chapter 37- Hospital

1.8K 66 0
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

After that dinner ay pinagbihis na kami ni Tita para makapunta na sa hospital.

Ng makababa ako ng hagdan ay nakabihis na silang lahat. Actually ako nalang ang hinihintay dahil nakaupo silang lahat sa sala.

Hindi din naman nagtagal ay bumyahe na kami papunta kay Lola.

Bata pa ako nung huli ko siyang makita at malakas pa siya noon.

Hindi nga lang kami ganon ka-close dahil bibihira lang din naman kami pumapasyal noon dito.


Narating namin ang hospital. It was a private hospital.

Sa second floor daw si lola.



When they opened the door. Hindi ko pa siya masyadong makita dahil nakasunod lang ako kina tita. Nasa likod nila ako. But lola is still awake dahil dinig ko ang boses niyang pinapagalitan ang kasama niyang katulong.

"Ano na naman ba nagawa ni manang saling Ma?" Si Tita.

She's very old now. Puti na ang mga buhok at kulubot na ang balat. At mukhang masungit ang mukha.

Umupo ako sa tabi ni Tita. While Tito and Keith are standing infront of lola.

"Yang babaeng yan! Hindi alam magluto! Ang sama-sama ng lasa ng luto niya! Si-sinong kasama niyo?" Baling niya sakin na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang tuwang-tuwa na makita ako.

"Si Jake pala Ma..bunsong anak ni Ate Liza. Kararating lang kaninang madaling araw." Si Tita.

"Ha? A-Apo ko. Come here. Give lola a hug please..." si Lola habang iniaabot ang kamay sa akin. At lumapit naman ako sakanya."dito kana ba mag-aaral? Dito ka nalang ha? Para may kasama ako. Kamusta sila Mama at Papa mo? At yung dalawang kapatid mo?" Dagdag niya ng matapos niya akong mayakap.

"O-Opo lola. Dito na ako mag-aaral. Okay naman po sila. Babalik na po nextweek sa abroad si Mama." Ngiti ko sakanya.

So glad....her hug quite comfortable.




Matagal na usapan at paalala ang mga pinag-uusapan nila. Lalo na kaninang nag-round yung doktor ni Lola.


Sabi ni tita ay wag na kami magtatagal dahil kailangan ko pa daw magpahinga. Nakiusap nga si Lola na kung pwede daw ay maiwan na ako ďito sa hospital pero ayaw ni Tita. Nextweek na daw.

Nasabi din niya sa akin na hindi gaano ka-hectic schedule ko kaya mahaba-mahaba ang oras ko para magbantay kay Lola. Wala naman akong angal doon. Dahil iyon naman talaga ang rason kaya nila ako pinauwi dito.

At ng pauwi na nga kami ay tyaka ko lang namalayan na hindi ko pala dala ang cellphone ko. Fvck!? Ang dami na sigurong tawag ni Chua ngayon.



Tsk! Lagot na naman neto!




Medyo natagalan kami sa pag-uwi dahil dumiretso pa kami kanina sa isang fast food chain. Dahil nagyaya si Keith.


Habang tumatagal yata na nagkakasama kami ni Keith ay lalong napapagaan ang loob ko sakanya.

Gaya nalang ngayon. Ang kulit niya kasi kaya kahit papano ay nasabayan ko naman siya.



At ng pagdating na nga namin sa bahay ay agad kong tinignan ang cellphone.


-______- ang OA niya talaga promise!


102 messages and 53 missed calls???




Tssssss! Hindi ko na siya tinext pa or tinawagan dahil for sure ay tulog na yon ngayon. Because it's already 2 am. At mukhang gusto na ding makapag-rest ng katawan ko. Bahala na. Bukas nalang ako magpapaliwanag sakanya.

Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon