Chapter 20 -Welcome home

3.1K 84 1
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

Hindi ko namamalayan ang oras lalo na kapag kasama ko si Chua. Mabilis o mabagal... wala akong pakialam dahil kapag kasama ko siya, sobrang saya ang nararamdaman ko at feeling ko ay sa amin lang ang mundo.

Ngayon nga ay ang araw na dating ni Mama kaya hindi ko siya makakasama .

Sa wakas, after 5 years ay magbabakasyon na si Mama. Si Mama ay isang Principal sa ibang bansa. Kung tutuusin ay hindi na sana niya kailagan pang mangibang bansa dahil yung dating sahod niya noon dito at idagdag pa ang sahod ni Papa ay sapat na para mabuhay nila kaming tatlo. But my Mama is such an achiever at mahilig sa mga bagong experience kaya nagawa niya ang desisyong mapalayo sa amin. Suportado siya lagi ni Papa sa lahat ng gusto niyang gawin.

Hindi naman siya nakakalimot na kumustahin kaming pamilya niya. Pero ako lang ang hindi masyadong nakikipag-communicate sakanya dahil kapag nakakausap ko siya sa cellphone ay mas lalo ko lang siyang mamimiss. Gusto ko din sanang magtampo sakanya noon pero habang tumatagal ay natanggap at naintindihan ko rin siya. At gaya nga ng laging sinasabi ni Papa na para din daw naman sa amin kaya niya iyon nagawa. Sa totoo lang kakaibang pangungulila ang naramdaman ko noong mapalayo sain si Mama. Lalo na kaag kailangang-kailangan ko siya pero wala siya. Sobrang lungkot na malayo siya pero nasanay din naman ako. Ganon nga siguro talaga magsakripisyo ang mga magulang na kahit sobrang mapalayo siya sa mga anak niya ay kakayanin nalang para maibigay pa ang higit sa gusto naming mga anak nila.

'' ano ba Jake!! Ang tagal mong dumating tapos ang bagal mo pang kumilos!'' sigaw sakin ni kuya Jeff habang papasok ako sa sasakyan.

Magkatabi kami dito sa likod at si kuya Oliver naman ang magda-drive at katabi niya si Papa. Pansin ko ay tahimik siya dail hindi siya nakikisali para pagalitan ako. Dahil siguro hindi pa siya nakaka-move on kay Marie.

'' Ano nanaman bang problema mo?? Ganyan na ba ang mga pulis ngayon?? Mahilig pumutak! Grabe baka nkakalimutan mo kuya...lalaki ka a? At ang laswa tignan kapag gnyang pumuputak ka!'' sigaw ko din sakanya ng makaupo na ako sa tabi niya.

'' Ano ba kayong dalawa! Para kayong aso't pusa! Ngayon ang dating ni Mama niyo tapos away niyo agad ang isasalubong niyo! Tigilan mo na yan Jeff!'' sita sa amin ni Papa kaya naman tanging irap nalang ang naiganti niya sa akin at saka ko naman siya binelatan. Hindi kasi siya nakakapalag kapag si Papa na ang nagsasalita. Haha!

Sobrang tahimik ang buong byahe. Ayaw ko din naman umimik dahil busy ako sa kakatext kay Chua. Ganito na kami lagi, kung minsan nga after school ay inuumaga na kaming nagtatawagan at nagtetexsan. Buti nalang talaga at hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko. Kung hindi siguro ay patay ako kay Papa at sa mga kapatid ko. Baka paghiwalayin pa kami.

Bigla kong naalala, hindi ko pa pala siya nababanggit kay Mama. Ewan ko lang kung may nakapagsabi na sakanya. Bigla naman akong kinabahan. Ano kayang magiging reaction ni Mama kapag nalaman niyang may boyfriend na ako?

"Maiwan kayo ni Jake dito Oliver at kami nalang ng kuya niyo ang papasok sa loob." Si Papa ng mai-park na ni Kuya Oliver ang sasakyan.

Tumango nalang kaming dalawa bago lumabas sila Papa at Kuya.

Wala naman kaming magawa, kundi soundtrip lang. Si kuya Oli talaga, damang-dama ko pagiging senti niya. Haha! Ganyan ba talaga ang epekto ng masawi sa pag-ibig? Tsk! Tsk! Sana lang talaga ay huwag kaming aabot ni Chua sa hiwalayan dahil ngayon palang na nagsisimula kami ay parang hindi ko na kaya.

Ng matanaw kong papalapit na sila Papa at kuya kasama si Mama ay nagmadali akong lumabas ng sasakyan para salubungin sila.

"Mamaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko sa pagkasabik ko sakanya.

Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon