Jeffrey Socrates POV
Habang naghihintay ako sakanya ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Lalo na na't nasa bahay na si Jake at wala siyang kaalam-alam na kinasusuklaman niya ang taong ipapakilala ko ngayon sakanya.
Wala kasi akong magawa dahil nahulog ako sa patibong.
Totoong sa social net ko siya nakilala. Mahilig din kasi akong makipag-chat online sa random girls.
Then, she got my attention. Dahil napaka-misteryosa niya sa iba.Hanggang sa siya nalang ang gusto kong ka-chat. At tumagal ng tumagal hanggang sa pakiramdam ko ay may ibang nararamdaman na ako sakanya. Profile picture lang ang tanging lumalabas sa timeline niya. Wala ng ibang picture. Pero wala akong pakialam dahil mas pinairal ko ang kabaitan at kasiyahan niya sa pakikipag-chat sakin araw-gabi.
Then one day ay tumawag siya sa akin at doon ako lubusang nagsisi noong ipinakilala niya ang totoong katauhan niya at kung anong plano niya bakit siya nakipag-mabutihan sa akin.
Biglang nawala ang nararamdaman ko sakanya at handa na sana akong iwasan siya ngunit naunahan ako ng kaduwagan ko dahil hindi daw niya hahayaang sa akin masisira ang lahat ng plano niya.
Plano niyang gumanti kay Jake dahil sa pagkawala ng tiyuhin niyang si Daragon.
It was Anggie Daragon. Niece of Santi Daragon.
Madami daw siyang tauhan na nakakalat dito sa Pilipinas at minamanmanan ako pati na din ang buong pamilya ko. Na isang kamali ko lang ay damay ulit ang buong pamilya ko.
Masyado na akong nadala noon sa nangyari noon. At ayaw ko ng maulit yon. Akala ko ay makakaisip ako ng solusyon bago pa siya makauwi dito sa Pilipinas pero wala akong naisip. Lubos akong nanlumo dahil wala na naman akong nagawa.
"Hey honey! Ang aga mo naman." Siya na nasa harapan ko na ngayon at kumapit sa braso ko sabay bahagyang pinisil iyon.
"Pwede bang wag ka lang munang umarte dahil wala pa naman tayo sa bahay." Alis ko sa kamay niyang nakakapit sa braso ko.
"You're so mean. Akala ko pa naman excited kang makita ako. Haha! Well then! Siguro nandon na ang kinakapatid mong gaga. Tara na sa bahay niyo at excited na akong makita ang reaksyon niya." Hila niya sa akin sa sasakyan.
Ni sa hinagap ay hindi ko pinangarap na maging nobya ang isang katulad niya.
Nagfocus lang ako sa pagmamaneho at hindi pinapakinggan ang walang tigil na pagbubunganga niya dahil sa dinami-dami ng kanyang bilin.
Daig ko pa ngayon ang isang robot.
Naabisuhan ko na silamg lahat sa bahay na umayon nalang muna sa kagustuhan niyang mangyari para sa ganon ay hindi muna siya gumawa ng gulo. Sasakyan namin lahat ng gusto niya gaya ng suhestyon ni Papa. Ang tanging problema nalang ay si Jake dahil hindi ko talaga to sinabi sakanya.
---------
"Hellllooooo poooooo!" Yakap ni Anggie kay Mama at hindi naman maitatago ang pagkailang ni Mama sa ginawa niya sakanya.Palinga-linga ako dahil wala si Jake. Silang dalawa ni Oliver kaya naman nagtanong ako kay Papa na titig na titig lang kay Anggie
"Bumili lang sila ng softdrinks sa grocery." Sagot naman niya kaya naman umupo muna kami at nagmeryenda habang hinihintay silang dumating.
Walang nagsasalita sa aming tatlo kahit na panay daldal si Anggie. Sobrang kapal ng mukha niya at nasisikmura niyang makiharap sa amin ng ganito ang inaasta niya na animo'y wala siya planong masama sa pamilya namin. Nagi-guilty naman ako dahil para kaming tuta na sobrang sunud-sunuran sa lahat ng gugustuhin niya.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
Roman d'amourIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...