Janjie Kane Terorra POV
Pagka-gising ko ay mataas na ang sikat ng araw. Pagka-angat ko ng ulo ko ay ibinagsak ko ulit sa may unan dahil sa sobrang sakit.
King ina! >.<
Hindi naman ako na-amnesia para hindi malaman kung bakit. Alam kong lasing ako kagabi. At alam ko ding hindi panaginip na naghiwalay na din kami ni Chua.
Saklap pre! Panandaliang kilig ang kanyang nais. Ang sakit pala masaktan.
Ang dami niyang pangako. Ang dami niyang sinatsat. Nakaka-lambot sobra ang mga salitang lumabas sa bunganga niya noong bago palang kami. Pero ng dahil lang sa hinamon ko siya ng hiwalayan ay agad nalang siyang pumayag at nang-iwan.
Sinabi ko na nga ba't sasaktan lang din niya ako.
Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong bumangon. Dinampot ang cellphone ang tinignan kung may txt siya o missed call. Pero pwe! Kahit isa wala. See? Sa ganyan magaling ang mga lalake! Mga paasa! King ina niya! Pasabugin ko noo niya e! Tch!
Inihagis ko kung saan ang walang kwentang cellphone at saka dumiretso sa banyo.
Naghilamos ako at nagsipilyo.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay naluluha ako sa hindi ko malamang dahilan.
King ina naman oh!
Ginamit ko ang likod ng palad kong pamunas sa mga luhang nagsisipaglabasan.
Masakit sa masakit talaga e. Bumabalik ang mga masasayang alaala na bigla bigla nalang nawala!
Tinapos ko agad ang pagsisipilyo at saka hinanap sa cabinet ang gunting.
Hinayaan ko ang mga luhang lumabas at sinimulang gupitin ang buhok ko. Ipinantay ko hanggang sa may tainga ko.
Bawat gupit ay parang damang-dama ko ang sakit. Habang ginugupitan ko ang sarili ko ay patuloy naman sa paglaglag ang mga luha ko.
He doesn't deserve me at all. He's a hypocrite! He's an asshole! He's a big liar!
Matapos kong magupitan ang sarili ko ay para bang naginhawaan ako kahit papano. Gumaan konti ang bigat na dinadala ko.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto.
Dumiretso sa kusina at nadatnan ko sila Daddy at Mommy sa hapag-kainan.
Alam kong nagulat sila sa hitsura ko pero hindi nila pinapahalata. And I thank them for that.
"Manang, patimpla naman po ako ng kape." Utos ko sa mayordoma namin at napatingin na naman sa akin si Mommy.
Dahil dati ay hindi ko ugaling mag-utos hangga't kaya kong gawin.
Si Daddy naman ay walang kibo at pinagpapatuloy lang pagbabasa ng dyaryong hawak niya.
"Anong gusto mong gawin ko sa lalaking tumarantado sayo." Lapag ni Daddy ang dyaryo sa mesa at saka diretsong tumingin sa akin.
"What do you mean? And what's happening? May hindi ba ako nalalaman? Janjie?" Baling sa akin ni Mommy.
"Nothing Dad. Hayaan nyo nalang siya. Don't worry, iiwas na ako sakanya." Seryosong sagot ko sabay higop sa tinimplang kape ni Manang."wala na po kami ni Chua Mommy. And I am drunk last night. I'm sorry. Last na po yon. Hindi na ako uulit." Baling ko naman kay Mommy.
Tumayo si Mommy at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
"Hindi ako makikialam dahil buhay pag-ibig mo yan. No matter what happen, we're always here for you. Let's eat muna. May lakad ka yata?" Tanong niya sa akin.
Sasagot na sana ako ng may marinig kaming kalabog sa may pintuan. At ng tinignan namin ay sila Ciano, Jayson at James na may tig-iisang black eye.
"Anong nangyari sainyo! Bakit ganyan mga mukha nyo?!" Nag-aalalang tanong ko. "Dad?" Tanong ko kay Daddy. Dahil wala man lang sumasagot sakanilang tatlo.
"What? It's their fault kung bakit ka nalasing kagabi." Sagot ni Daddy.
Nasapo ko ang noo ko. Tsk! "Of course not! It's my fault dahil ako ang nagyaya sakanilang uminom! Hoy ikaw Bruno! Pakidala sila sa hospital ng ma-check yang mga mata nila!" Sigaw ko kay Bruno at agad namang nagsipasukan ang mga gunggong sa van.
"Ano ka ba naman hon! Dika na naawa sakanila." Sabat ni Mommy. Ako naman ay napapailing nalang dahil wala na namang kibo si Daddy.
Tahimik kaming kumain.
Hindi sila nagtatanong ng kung anu-ano at ipinagpapasalamat ko ulit iyon dahil baka hindi ko pa sila kayaning sagutin.
Maya't-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Daddy.
Akala ko ay lalabas ito upang sagutin ang tawag pero hindi dahil sinagot niya ito mismo sa harap ng hapag-kainan. Hindi siguro yon confidential.
"Oo pare. Nandito kasi siya sa baba. Ano bang atin dyan?" Sino naman kaya ang kausap niya?
Pagtingin ko sakanya ay sakin pala siya naka-tingin.
"Sige pare at sasabihin ko sakanya." At ibinaba na ang hawak niyang cellphone.
Hindi kami nagtanong ni Mommy. Hinintay naming si Daddy mismo ang magsasabi sa amin.
Tinapos muna niya kaming kumain bago siya nagsalita.
"Tumawag Papa Rey mo at pumunta ka daw mamaya sakanila dahil may dapat ka daw makilala." Baling niya sa akin.
Ako naman ay umo-o agad at excited na makapunta sakanila.
Hindi ko na inisip kung sino man yung taong sinasabi nila.
Gusto kong abalahin ang sarili ko ngayon ng sa ganon ay mawala sa sistema at isipan ko si Chua.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
Storie d'amoreIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...