JANJIE KANE SOCRATES
"Annnnnaaaaaaaak! Gumising kana dyan! Kanina pa nandito si Maitta sa baba! " dinig ko sa baba pero hindi ko masyadong maintindihan dahil ipinatong ko sa ulo ko yung unan.
Hay! Katamad ang araw ngayon dahil wala kaming pasok due to the heavy rain. Kaya wala kaming ginawang iba ni Chua kagabi kundi ang magpuyatan at magbabad sa tawagan.
Kapag naaalala ko yung conversation namin kagabi ay wala ako sa sariling napapangiti. Hihi!
"Hoy!!! Kanina kapa tinatawag! Feel mo nanaman yang pagiging spoiled mo! May bisita ka sa baba at ang tagal ng naghihintay." Si Kuya Jeff. Tssss! Manigas ka dyan bwisit ka!
Blag! Blag! Blag!
Anaknamputsa!!!
"Ano ba!!!!! Ang aga-aga mo nanamang nambibwisit! Oo na!!! Baba na ako!!" Sigaw ko sakanya.
Blag!
Nakakapeste talaga siya kahit kelan!
At sino naman kaya ang bisita ko e mamayang lunch pa naman pupunta si Chua dito sa bahay.
Dumiretso na nga ako sa banyo ko para maghilamos at mag-toothbrush.
Nagsuklay muna ako ng buhok bago bumaba.
Hindi pa man ako nakakarating sa baba ay dinig ko na ang familiar na boses at saka nagmamadaling bumaba.
Shets! Sabi na nga ba e! "Aba tang ina mo! Prinsesa kana ngayon!? Haha! Asan na angas mo?! Tsk! Bakla kana??! Beh patingin ako ng jowa mo!" Haha! It's Maitta Santillan my best friend since childhood. At siya lang ang nakakapagmura sakin ng ganyan sa harap ng Nanay ko. Nung highschool kasi ay nag-migrate sila ng pamilya niya sa Canada. At simula noon ay wala na kaming naging communication dahil wala naman akong masyadong hilig sa social networks .
"King ina mo! Haha! Anak ng!? Bakit ang puti mo na? At may pa-eyeglass eyeglass kana ngayon? Genius kana? Mas matalino kana sakin? Pota ka namiss kita sobra!!" Yakap ko sakanya dahil diko na pa kayang itago ang pagkamiss ko sakanya.
Niyaya ko siya sa balcony ng bahay para doon pa lalo makapag-usap at napag-alaman kong dito na pala siya for good. Oo siya lang daw dahil mas gusto din daw parin niya dito sa Pilipinas.
Maitta is beautiful pero gaya ko ay medyo may pagka-angas at hindi uso sakanya ang lovelife. Haha!
"Oh ano na? Kelan mo ipapakilala yung jowa mo saken?" Lihis niya sa usapan.
"Hindi nga kasi jowa Maitz...boyfriend nga ang tawag sakanya." Pagbibiro ko.
"Aba tang ina bespren! Mukhang inlove talaga tayo ah! Haha! Beh patingin na ako. Ipakilala mo na ng makilatis ko naman. Baka pag makita ako nyan, maakit agad sa kagandahan ko. " haha! Mayabang parin hanggang ngayon pero mas mayabang parin ako. Haha!
"Siraulo mo! Hindi yon mahilig sa magagandang walang laman ang utak bespren. At akin lang yon! " medyo naiiritang sagot ko sakanya.
"Aw.shet. Ang saket non ah! Haha! Dika na mabiro. Pero karapatan ko parin yon makilala. Ikaw yan e. Dapat sigurado tayong safe ka sakanya." Sabi niya na para bang kapatid ko kung magsalita. Haha. Binibiro ko lang naman din siya. Isa kasi siya sa taong pinakaayaw na nakikitang nagagalit ako dahil iba ako magalit
"Haha!natakot ka no!? Sige pupunta naman yon dito mamaya. Dito ka nalang mag-tanghalian para magpang-abot kayo." Saad ko habang natatawa.
"King ina mong ulol ka." Irap naman niya sakin. Haha! Sarap niya talagang asarin e kahit kelan.
Walang patid na kwentuhan at asaran ang ginawa namin. Kilala din niya sila Ulo, Budah at Allan. Sayang nga lang dahil may kanya-kanya silang lakad at hindi makakapunta dito.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...