JANJIE KANE SOCRATES POVSunday today and nagyaya si Chua na lumabas. Nakaka-ewan ang taong yon. Magyayaya na nga lang napaka-sungit pa.
Simpleng fitted na jeans at naka-V neck na plain pink T-shirt ako. Sa ganito lang ako komportable.
"Sakay na." Si Chua na pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya.
Sumakay nga ako ng walang imik.
"Where do you wanna go?" Tanong niya sakin habang nagmamaneho.
"Anywhere. Ikaw? Kung saan mo gusto." Sagot ko na hindi tumitingin sakanya. Dahil busy ako sa pagtingin sa mga nadadaanan namin.
"Tssss! -____- kaya nga kita tinatanong e kasi gusto kong ikaw ang magsabi." Pagsusungit nanaman niya.
Nag-isip naman ako. Saan nga ba??
"Uhmn...palengke tayo babe." Saad ko. Hahaha! Nafi-feel ko na ang pagtawag sakanya ng babe. Boyfriend ko na nga siya diba?
"Are you serious babe?? Seriously?? Palengke?? Anong gagawin natin sa crowded place na yon??" Ang OA niya promise kasi hininto pa talaga ang sasakyan dahil sa sinabi ko.
"Oh? Tinatanong mo ako tapos ngayon ganyan ka maka-react?? Ano ba talaga??!" Pagsusungit ko din. " gusto ko mag-ukay ukay!" Dagdag at irap ko sakanya.
"You're impossible! Tch! Fine! Palengke." Siya at inandar na ulit ang sasakyan.
Nakalimutan ko. Mayaman pala siya. Siguro nga ay ganun nalang siya nagulat dahil baka hindi pa siya nakakarating ng palengke.
LACHLAN CHUA POV
Tssss! This crazy girl is really impossible. What am I expecting is sa mall or classy restaurant niya gustong pumunta. Like other girls. Diba ganun ang gusto? Pero siya? Fvck!? Fvcking palengke!
Ang manhid niya. Wala ba siyang kaide-ideya na date ito? Kaya ko siya niyayang lumabas dahil gusto ko siyang i-date for God's sake!!
Narating na nga namin ang palengke. And I admit, never in my life na nakaapak ako sa palengke. Dahil sa kwento palang ng mga katulong namin ay mabaho at madaming tao daw sa palengke. Tch! Paano kami magkakaroon ng moment at privacy ngayon dito?
"Matanong kita. Ngayon ka lang makakaapak sa palengke? What I mean, first time mo ba dito?" Siya habang tinatanggal ang seatbelt niya.
"None of your business! Sige na. Baba na tayo. At mag-ukay ukay kana." Ako.
Pagkababa ko palang sa saksakyan ay amoy ko na ang palengke at totoo nga. Hindi maganda sa pang-amoy ko. Pero para sa babaeng to ay papasok ako ngayon sa palengke.
Hinawakan ko ang kamay niya at napangiti naman ako dahil wala siyang reklamo. Hinawakan din niya ang kamay ko. Kahit pa siguro araw-araw kaming pupunta sa palengke basta ba laging ganito na mahahawakan ko ang kamay niya.
Unang pinuntahan namin ay ang hilera ng ukay-ukayan.
Very cheaps items. Branded nga pero 50php, 80 at 100 lang ang halaga. Seriously?! Hahaha! Natatawa ako. Meron palang damit na ganito lang kamura?
"Ayaw mong pumili? Mura lang naman e." Kanina pa niya ako pinipilit na pumili.
"Nah..just go on. Pumili ka lang. I'll wait for you." Tanggi ko.
Natutuwa ako habang pinapanood siyang pumipili. At kapag tinatanong na ang presyo ay panay hingi siya ng tawad. 80php na tinatawaran pa? Haha!
Ang kulit niya talaga e. Dinadaan niya sa mga pa-cute niya ang mga tindera. At sa huli ay nauuto niya sila.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...