JANJIE KANE SOCRATES POV
Sa paglabas ko ay dire-diretso akong kumuha ng taxi pauwi. Wala na akong pakialam sakanila dahil wala na ako sa mood. Kampante naman akong iwan ang mga barkada ko dahil nakakasigurado naman akong hindi sila papabayaan ng mga barkada ni Chua.
And speaking of Chua. Alam ko na galit siya sakin dahil pinakita ko nanaman ang kahambugan ko kanina. Tch! Paki ko ba? E sa nabastos na ako diba?
At pagtingin ko sa cellphone ko ay ang dami na nilang txt tinatanong kung nasaan na daw ako at syempre hindi mawawala ang txt ni Chua.
From: Chuavil (short for chua devil)
Ang tgas talaga ng kukote mo. What if may nangyaring masama sayo?! Pinairal mo nanaman kahambugan mo! Hindi porket marunong ka sa self defense ay kampante ka ng kaya mo lahat ng trouble na darating sayo! Be there at my house tomorrow. We need to talk. Goodnight. Iloveyou Jake.Dug..dug..dug..dug....she-may talaga!!! Ano nanaman bang nangyayari sakin?!
King ina! Ano ba Jake!!? I love you lang yon.! Wag kang ano dyan! Tsss! Para akong tangang pinapagalitan ang sarili ko.
Hahay!!! Ginulo-gulo ko nalang ang buhok ko sa sibrang inis ko mismo sa sarili ko.
Pagkababa ko sa taxi ay hindi na muna ako agad pumasok dahil nakaopen pa ang ilaw sa may veranda namin. Kaya tiyak ako na may gising pa. Ang ginawa ko ay sumilip muna mula sa labas at tinignan kung sino pa ang gising at nakita kong si Kuya Oliver ang nakaupo habang nakatingala sa kalangitan.
Tuluyan na nga akong pumasok at napatingin sakin si kuya.
"Oh..san ka galing? Bakit ngayon ka lang!? Aba! Gabing gabi na ah!" Sita niay sa sakin. Lalampasan ko na sana siya pero nasa mood akong kausapin siya.
"Asa! Nagpaalam ako kay Papa noh. Foundation namin ngayon at nagyaya ang barkada na magcelebrate kasi nextweek ay back to normal na ang lahat. Eh ikaw? Bakit gising kapa? Diba sa ganitong oras tulog kana?" Palusot at lapit ko sakanya at umupo sa tabi niya.
Tumingala din ako sa kalangitan gaya ng ginagawa niya. Haaay! Nakaka-relax talaga kapag ganito ng gabi at medyo malamig ang simoy ng hangin.
"Jake...bakit ganon?" Simula niya na nakatingala parin.
"Anong bakit ganon? Ano bang problema mo?" Sagot ko.
"Mahirap ba akong mahalin? Masama ba ako? Nakakatawa ba pagmumukha ko?" Siya kaya naman napatingin na ako sakanya kasi ramdam kong seryoso na siya.
"Pinagtawanan niya ako after kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko. She even told me to cry now infront of her tapos pinagtawanan niya ako ng sobra sa harapan ko...sa mukha ko mismo. Such a fvckingshit! " tumulo na ang luha niya at ramdam kong nasasaktan talaga siya.
Hindi ako sumasagot nakikinig lang ako sakanya. Dahil alam kong ito ang kailangan niya. Kailangan niya ng tagapakinig niya.He's really in pain right now. Sa mga pinagsasabi niya ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. It's Marie...lihim siyang may pagtingin kay Marie matagal na.
"It's not your lost. Ang ibig lang sabihin non ay hindi siya karapat-dapat para sayo. You should be proud of yourself because you did your part. You confessed then she rejected you. Then yan na ang signal na STOP and move on. Tumigil kana sa kakaasa sakanya. You should know the word ENOUGH. Sabi nga nila diba...mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Pero ikaw kasi ay mas inuna mo siya kesa sarili mo kaya it's time now na mahalin mo na ang sarili mo. Hindi pa naman tapos lahat e. Meron at meron paring dadating na iba at mas deserving na babae para sayo. And to answer your question,, hindi ka mahirap mahalin. Depende nalang yon sa babae kung tanggap ka at kung mahal ka talaga. " wala sa sarili kong sagot sakanya. I just said those words to enlighten and to cheer him up. At yun ang alam ko sa sarili ko na kailangan niyang marinig mula sakin.
"Maybe you're right. She's not for me." Baling niya sakin.
"Tssss. Why so dramatic? Hindi mo ikinagwapo ang pagiging drama King mo ngayon. " asar ko sakanya.
"Huh! Ganyan kana kainlove kay Chua ha at nakakapag-advise kana ng ganyan." Gulo niya sa buhok ko. Huh! Kung alam lang niyang fake lang naman talaga ang pagpapakilala ko as boyfriend ko si Chua sakanila." Pero ito...payong kapatid lang din. Wag mo ding ibigay ang lahat mo sakanya. Like what you've said, mahalin mo sarili mo. Magtira ka kahit konti sa sarili mo." Tumayo siya. " thanks for the advise kapatid. Mauna na ako sa loob." Paalam niya at umalis na nga sa tabi ko.
Ang drama namin. Pero masaya ako kasi kahit papano ay naappreciate niya ang advise ko.
I can call this as a brother/sister advise.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...