SOMEONE'S POV
Booooogsh!
Booooogsh!
Booooogsh!
"Damn it! Hindi ba't sinabi ko sainyo na lagi niyo siyang susundan! Pero nasaan kayo!" Galit na sigaw ko sakanilang tatlo matapos silang sikmuraan.
"So-sorry boss..akala po kasi namin ay kasama niya ang mga kaibigan niya kaya sila po ang sinundan namin." Sagot ni James habang hawak ang sikmura niya.
"Mga inutil!! Paano kung hindi ako napadaan doon! Baka kung ano na ang nangyari sakanya!? Sa susunod na palpak kayo, asikasuhin niyo na ang libing niyo!" Galit na sigaw ko parin sakanila. " labas na! Wag na wag niyo munang ipapakita yang mga pagmumukha niyo sa akin!" Dagdag ko at agad naman silang nag-sialisan sa harapan ko.
Pumasok na ako sa loob at nandoon ang esposa kong naghihintay sa akin.
"Hon...how is she? Is she fine? Did something happened?? What!?" Natutulirong tanong niya sa akin. I hugged her.
"No...don't worry. She's fine and she's very beautiful like you." Pagpapakalma ko sakanya.
"Ke-kelan ba natin siya iuuwi dito?? It's been long years hon...I miss her like crazy." Naiiyak nanaman na sabi niya sa akin.
"Soon Hon....very very soon. And I miss her too." Halik ko sa noo niya.
Yeah, it's been long years. Panahon na siguro para makapiling na namin siya at tigilan na ang pagtatago sakanya.
Though, madami namang nagbabantay sakanya. This time, gusto kong ako naman ang poprotekta at magbabantay sakanya.
Then I called him......
"Yow! What? Anong meron at naalala mo akong tawagan." Si Jowell Chua sa kabilang linya.
"Kausapin mo si Reymundo. Tell him we'll have a dinner tonight. I'll text the place." -ako. At agad ko ding ibinaba ang tawag.
Kailangan ng maiayos at mailugar ang lahat. Gusto ko ng mapanatag ang kalooban ng asawa ko. Dahil gabi-gabi nalang siyang umiiyak at nangungulila sa nag-iisang naming anak.
__________________
Ako ang nauna sa sinabi kong hotel and restaurant na tagpuan namin ngayong dinner.
At wala pang ilang minuto ay nakita ko na sa entrance ang dalawa. At as usual ay kumakaway na sa akin si Jowell.
At ng tuluyan na silang makalapit dito sa mesa namin ay nagtanguan lang kaming tatlo bago sila umupo.
"Um-order na muna tayo at kumain. Tyaka na tayo mag-usap." Saad ko sakanilang dalawa at sumunod naman sila.
Ganito kami, once a month nagkikita-kita para mag-usap-usap at mapag-planuhang mabuti ang aming mga planong matagal na naming ginagawa.
Hindi naman nagtagal ay sinerve na ang mga orders namin at tahimik lang din kaming kumain. Walang nagsasalita. Seryoso kasi kaming tatlo lagi. Para sa amin ay sayang lang sa oras kung magbibiro at maglalaro ka pa.
"Ano ba ang sasabihin mo pare at biglaan mo kaming tinawagan?" Si Reymundo."Kung tungkol ito sa bata ay okay lang siya pare. At sa katunayan pa niyan ay pupunta siya sa probinsiya nextweek. Aalagaan niya ang Nanay ng asawa ko." Dagdag pa nito at doon ako napatitig ng matalim sakanya.
"What did you say!? Pupunta siya saan??!" Diko napigilan ang sarili ko at medyo napasigaw ako sakanya.
"Eh-Eh kasi di-diba pare yun naman ang plano? Ang itago natin soya sa mga gustong pumatay sakanya. Kaya ng sabihin ng asawa ko na dalhin siya sa probinsya para bantayan ang Nanay niyang may sakit ay pumayag agad ako para lalo pa siyang mapalayo sa mga kaaway." Paliwanag naman nito pero hindi niya naitago sakin ang pangangatal ng kanyang labi.
"Haha! And didn't you know that her boyfriend is my nephew?" At napabaling naman ako kay Jowell. Na nagpipigil ng tawa. Ang isang to talaga ay mapang-asar!
And goddamnit! Bakit kulang kulang ang mga impormasyong dumadating sakin??
"Pinayagan mong makipag-boyfriend na siya!? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?!" Baling ko na naman kay Reymundo.
"Ang buong akala ko kasi pare ay lahat ng nangyayari sa anak mo ay nakakarating sayo." Inosenteng sagot naman nito. Tsk!
"Okay lang yan pare. Dalaga naman na ang inaanak namin at sigurado akong hindi siya sasaktan ng pamangkin ko. Dahil once na gawin niya yon ay ako mismo ang kikitil sa buhay niya." Assurance naman ni Jowell.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko malaman itong pakiramdam na nararamdaman ko. Masaya na malungkot. Masaya dahil sa nalaman kong nagdadalaga na talaga siya at malungkot naman dahil sa hindi man lang kami ang unang nakaalam ng asawa ko na niligawan at nagkaroon na siya ng nobyo.
Kapag naiisip ko ang mga ganito ay lalo lang akong nagsisisi at nasasaktan.
Nagsisisi ako dahil sa nagawa ko at kinailangan siyang mapalayo samin. At ang paglayo niya samin ay yon ang labis na nakakapanakit sa akin.
"Iuuwi ko na si Jake sa bahay." Ako.
"What!? Akala ko ba sa puder ko nalang siya pare??" Angal ni Reymundo."pare napamahal na siya sa amin ng pamilya ko."dagdag pa niya na may kasamang pagmamakaawa sa tinig niya.
"Sabi na sabi na din sakanya ang misis ko pare." Ako.
"Oo nga naman pare. It's time para makilala na din ni Jake ang mga totoong magulang niya." Pag-sasang-ayon naman sa akin ni Jowell.
Natahimik bigla si Reymundo.
I understand him. Kung ako din sa kalagayan niya ay mahihirapan din siguro ako sa pagdedesisyon. Pero gustung-gusto ko ng makasama ang anak ko.
"Pwede bang pagbalik nalang niya galing probinsiya pare? Kailangan ko pang ihanda ang pamilya ko sa pagbabalik ko kay Jake sainyo." Malamyang saad niya sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot.
Konting panahon pa anak at makakasama kana namin. Konting panahon nalang.....
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...