Chapter 54- Put all the blame on me

1.7K 65 0
                                    

LACHLAN CHUA POV

Lhewana
Fvck! Gusto ko nang parayin ang sarili ko ngayon din. Wala talaga kong kwenta! Wala akong silbi! Wala man lang akong nagawa para kay Jake. They should put all the blame on me. Isa akong inutil!

"Son...please stop it. She's okay now. If you want, we'll visit her on her room later. Just calm down. Wag mo munang masyadong pwersahin ang sarili mo. " si Mommy na halos maiyak na kaya naman pinilit kong pinakalma ang sarili ko.

"At saka, wag mong sisihin ang sarili mo sa kung anong nangyari sakanya. Dahil pati ikaw ay nabiktima. Hindi mo sinadyang magpahuli sakanila. At hindi mo ginustong hindi mo siya iniligtas. " si Tito Jowell.

Dahan-dahan akong humiga at ipinikit ang aking mga mata ng mariin.

Kumusta na kaya siya? Gising na kaya? May mga masakit pa ba kaya sakanya? Sana ay okay lang siya.

Kahit na gustung-gusto ko na sana siyang makita ay pinigilan ko parin sarili ko dahil kailangan din niyang ipahinga ang sarili niya.

Naiiyak ako dahil sa sobrang kapabayaan ko. Sana ay ako nalang ang nalagay sa sitwasyon niya.

Maya't maya pa ay dumating si Rhed kasama ang mga barkada ni Jake.

Sila din ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Ni hindi pa nila alam na ampon lang si Jake ng mga kinikilala nilang magulang niya. At ngayon nga din daw ang dating ng kinilalang Mama ni Jake.

"Kamusta?" Si Rhed na hawak-hawak naman ni Maitta ang siko niya.

"Okay na ako kahit papaano. Nasilip niyo na ba si Jake? Kumusta na siya? Okay na ba siya? " ako.

"Wala e. Hindi kami pinayagan ng mga nurse na makapasok. Kailangan daw munang magpahinga ni Jake at hindi pa pwede ang mga bisita." Si Allan.

"Pero nakita na namin sila Tito Imo at Kuya Oliver. Ano ba talaga ang nangyari bro? Bakit biglang naging ganito ang lahat?" Si Ulo.

Gusto ko mang sabihin sakanila ang totoo pero hindi din naman nila maiintindihan. Mas mabuti sigurong si Jake nalang ang magsabi sakanila tungkol sa lahat ng nangyari.

"Hintayin nalang natin na maging okay si Jake at siya na mismo ang magpapaliwanag sainyo ng lahat." Sabat ni Angel.

"At sino naman to?" Nakataas ang kilay na tanong ni Buddah.

"Ah..si Angel pala. Pinsan ko." Pakilala ko kay Angel sakanila.

"Bakit parang may alam siya tapos kami wala??" Si Allan.

"Like what I said earlier. Let's wait Jake and she'll explain everything." Angel rolled her eyes bago lumabas.

"Ang sungit naman ng pinsan mo? Buti kung makasundo yan ni Jake." Si Maitta.

"Magkakilala na sila at okay na sila sa isa't-isa." Napapagod na sagot ko at tyaka muling humiga.

Nanahimik na din sila. Ang iba ay nanunuod habang ang iba naman ay lumabas para bumili ng makakain.

Dumating din ang mga barkada ko. Pinagalitan at pinagsabihan ako dahil bakit daw hindi ako nagsabi sakanila ng sa ganon ay natulungan daw nila ako. Hindi nalang ako umimik.

Kung gaano sila nagsisisi, hindi parin non mapapantayan ang pagsisisi ko sa nangyari kay Jake. Fvck!

***kinabukasan***

Ang mga barkada ko at mga barkada ni Jake ang nagbantay sa akin magdamag. Pinauwi ko kasi sila Mommy kagabi dahil alam kong pagod sila sa byahe nila. Ganon din ang magkapatid na Angel at Crystal dahil simula ng nandito ako ay wala pa silang maayos na pahinga.

Punung-puno kami dito sa kwarto ko kagabi. Pero kahit kaluskos ay wala talaga akong narinig kagabi. Mukhang marunong silang lahat magbantay.

Pagkagising ko ay mahimbing parin silang lahat sa kanya-kanya nilang tulog.

Kinuga ko ang lalagyan ng dextrose at saka isinabit don ang dextrose ko. Lumabas ako ng walang kahirap-hirap sa kwarto ko.

Buti nalang at tinexsan ko kagabi si Crystal kung anong kwarto si Jake kaya naman hindi ko na kailangan pang magtanong sa mga nurse.

Somewhat,kahit sakit minsan sa ulo si Crystal ay lagi parin siyang nakakatulong. Utang ko parin sakanya ang pagdala niya sa akin noon dito sa hospital.

Hindi naman na ako nahihirapang gumalaw. Bugbog lang naman ang inabot ko kaya hindi ako ganon ka-gulay ngayon. Idagdag pa ang mga sobrang lalakas na itinuturok nila sa aking mga gamot.

Ng nasa tapat na ako ng kwarto niya ay eto na naman ang konsensya sa dibdib ko. Papasok ba ako o hintayin nalang namakalabas siya at ako nalang bibisita sa bahay nila?

Bahala na....

Mabuti nalang at wala din ang mga bantay sa labad.

Pagpihit ko ng seradura ay hindi naman ito nakagawa ng ingay.

Pagkapasok ko palang ay ang bed na niya ang agad na tumambad sa paningin ko.

May nakakabit parin sakanyang oxygen. At halatang tulug na tulog parin ito.

Ng ihahakbang ko na sana ang mga paa ko ay may biglang tumikhim.

Paglingon ko sa kaliwa ko ay nanlaki ang mga mata ko. Dahil nandito pala sa loob si General.

Titig na titig din siya sa akin kaya naman diko maiwasan ang hindi mapalunok.

"I-I just want to see Jake Sir..if she's okay." My voice is shaking while saying those words to him.

"And? As you can see,she's not yet okay. Now go out and...-"

"Please Sir, hayaan nyo pong makita at mabantayan ko man lang siya saglit. Alam ko pong sobrang gago ko dahil nyo niya ako ngunit wala man lang akong nagawa upang protektahan at mailigtas siya. Please Sir, put all the blame on me now just allow me to stay beside her. Kahit ngayong araw lang." Nagmamakaawang saad ko saknya.

"Hahahahahahahahahaha!" Nanlaki na naman ang mga mata kong napatitig sakanya.

Halos maiyak na ako sa pakikiusap sakanya tapos tumawa lang siya? Ano bang nasabi kong nakakatawa?

"Idiot... hahaha! Ang sasabihin ko sana, nakita mo na siya kaya lumabas ka nalang muna at bumalik sa kwarto mo para makapag-pahinga ka din ng mabuti. Pareho kayong pasyente sa ngayon kaya magpagaling ka muna para maihanda mo ang sarili mo sa pagbabantay sakanya. Youngman,..next time, hintayin mong tapusin ko ang dapat kong sabihin. Tsk! Tsk! Now go..get some rest." Pagtataboy niya sa akin.

At kahit na medyo shocked parin ako ay nagawa ko paring bumalik sa kwarto ko at naabutan ko paring natutulog ang mga barkada namin ni Jake.

Phew! Akala ko ay bibigyan na naman niya ako ng suntok. Akala ko ay galit pa din siya sa akin. Tsk! Tsk!

Malayong mas nakakatot si General na totoong ama ni Jake kesa kay Tito Reymundo na kinilalang ama ni Jake noon.

Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon