JANJIE KANE SOCRATES POV
Hindi parin maalis hanggang ngayon ang pagtataka kung bakit ako sinusundan ng tatlong lalaki kahapon.
Papunta ako sa tindahan. Dahil sabi ni Manang Rona ay sa likod ang timdahan. Bibili lang sana ako ng yosi ng maramdaman kong may mga sumusunod sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil ng binilisan ko ang paglakad at nagtago sa kung saan ay bigla silang nagpalinga-linga kaya naman lalo lang akong nainis at binigyan sila ng leksyon.
Ng tanungin ko kung bakit nila ako sinusundan ay halata kong nagpapalusot lang ang sumagot sa akin.
Tsk! Kararating ko palang dito ay mukhang may mga kaaway na naman ako.
Nandito ako ngayon sa balcony. Nagyoyosi ng may kumatok sa pintuan.
At ng pagbuksan ko ay ang pinsan kong babae pala.
"Nagyoyosi ka?" Tanong niya ng makapasok na dito sa kwarto at dumiretso kasi sa balcony kaya nakita niya ang ashtray at yosi ko.
"Ha? O-Oo. Bakit? Pinagbabawal ba nila Tita?" Tanong ko.
"Hindi naman kung hindi ka nila nakikita. Hehe. Pero oo. Strikto kasi sila dito pagdating sa mga ganyan. Lalo na si Tito. Pero kaming dalawa ni Keith nagyoyosi lagi ng patago. Dapat sumama ka sa amin minsan sa likod. Doon ang madalas na tambayan namin." Pagkukwento niya. Pansin kong okay naman siya. Pero hindi kasi maalis sa akin ang hindi na muna magtiwala agad-agad lalo na sa mga bago ko palang nakilala.
"At mamaya...gusto mo bang sumama? May usapan nila Keith na gumimik mamaya. Nagsho-shot ka din ba?" Tanong ulit ni Aprille. May pagkamadaldal ang isang to.
"Oo. Si-Sige sama ako. Okay lang ba?" Medyo nahihiyang tanong ko.
"Ano ka ba! Oo nama no!? Niyayaya na nga kita e. Ayos to! Mas magiging masaya. Mami-meet mo din mamaya yung girlfriend ni Keith. Sige couz ha? May pasok pa kasi ako. Puntahan nalang ulit kita mamayang gabi. At aalis sila tita kaya malayang malaya tayo!haha!" Tuwang-tuwa pa talaga siya. Haha! "And one more thing couz...same school tayo! Sige ha?" Siya bago tuluyang lumabas sa kwarto.
Pagkalabas niya ay napapailing nalang akong napapangiti sa inasal niya. Weird na okay naman. Bigla ko tuloy na-miss ang mga barkada ko.
Bzzzzzt.bzzzzzt.bzzzzzt.
Pagtingin ko sa hawak kong cellphone ay si Chua pala ang tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot. Oh God! How I missed him
"Babe!" Bungad ko sakanya.
"Tsss! I miss you babe. How you doi'n there? Are you still okay?" Siya.
"Yes babe. Mababait naman mga tao dito. And the place...uhmmmmm! Sobrang ganda. Fresh air and no pollution. Pero mas masaya sana kung nandito ka din." Halata ang pangungulila ko sakanya sa huli kong sinabi.
"Okay then good. Be good always. Okay? May klase na ako. I'll call you after dinner. I love you babe. And I miss you so much!"
"Okay babe. Ikaw din dyan. Study well babe. I love you too and I miss you more." At ibinaba ko na ang tawag.
Ayoko kasing nakakarinig ng bye or goodbye.
Shit! Nakalimutan kong magpaalam na sasama ako sa gimik mamaya. Tsk!
Kaya naman tinext ko nalang siya.
At agad naman siyang nagreply. Siguro ay wala pa silang prof.
From: aa_babe❤
Okay babe! Enjoy your night. But be sure to answer my call before you go. I love you!Kinilig naman ako sa reply niya. Naiiwasan na niya ang pagiging strikto sa akin sa mga ibang bagay. At lalo lang akong napapamahal sakanya kapag ganoon ang mga ipinapakita at pinapadama niya sa akin. Pakiramdam ko kasi kapag ganoon ay buong-buo na ang tiwala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...