Kabanas ang araw na to!!! Late na nga ako tapos kung anu-ano pang kamalasan ang mga nangyayari. Ang dumi-dumi ng palda ko dahil sa putakteng nakamotor na lalakeng yun!!! Makita ko lang talaga siya. I will bali his neck! Fvck you boy!
" Oy pre! Anyare sa palda mo? Haha! Nagswimming ka ba sa putikan?" salubong sakin ni Ulo. Ako lang ang tumatawag sakanya kasi ang taba na nga ang laki pa ng ulo niya.
" Ina mong ulong itlog ka! Tigilan mo ako kung ayaw mong ikaw ang bugbugin ko!!!" singhal ko sakanya dahil badtrip na badtrip na talaga ako.
" Chill lang ateng!! Ke-aga aga nagsisimula kana naman ng World War!" si Allenita na bakla. Allan ang totoong pangalan niya.
Ang bilis kasi ng oras kapag enjoyment. Diba??? Summer vacation lang nun tapos ngayon pasukan na?? Saan ang hustisya don? Ni hindi ko man lang nasulit. Badtrip din e noh?
Tapos ngayon? King ina talaga ng lalaking dahilan ng pagka-dumi ng damit ko. He's dead!
" Ano nga kasing nangyari? Nadapa ka ba??" yan si Puma. Haha! Tomboy yan e.. Pero Puma talaga ang pangalan niya. Kaya kahit dito ako sa school. Hindi maiiwasan ang pagiging maangas ko kasi nga ganyan mga barkada ko. Maliban lang kay bading na akala mo araw-araw ginagahasa.
Hindi ko din alam kung paano nagsimula ang friendship namin. Basta nagkasalu-salubong lang. Nagpalitan ng mga pangalan at yun na! Boom dabarkads na. Hahaha!
" e may gunggong na kung makapag-drive parang kanya ang daan! Alam niyang may mga naglalakad tapos may putik na nga pinaharurot pa rin niya sasakyan niya. Lintik lang ang walang ganti! King ina.!
" teka? Hindi ba mas tanga yung naglalakad kasi bakit pa siya naglakad dun sa malapit sa may put_....a-arrray!!! shit! Hindi na!!! Ayoko na!!! Bitiwan mo na akooooo! Sasamahan kita hanapin yung lalaking yon at pagtulungan nating bugbugin!!! Jake!!! Masakit naaaaaaa!" pinipilipit ko ang kamay niya. Dahil ayoko lang talaga na tinatawag akong tanga! Masakit sa tenga ko ang salitang yun e! nakakakulo ng dugo!
" binalaan naman kita kanina diba? Pero hindi mo ata narinig. ULO! BADTRIP AKO! WAG MO AKONG SIMULAN DAHIL ITONG GINAGAWA KO SAYO NGAYON KULANG PA TO! HINDI LANG TO ANG AABUTIN MO KAPAG MASAGAD MO PASENSYA KO!!! NAIINTINDIHAN MO??" sigaw ko sakanya saka ko binitawan at nag-walk out na ako. Punta ako sa may locker ko para kunin yung extra palda ko. Syempre hindi naman ako pedeng maghapong ganito.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...